Mabuti naman at nawala na ang kapraningan ko kanina. Kung ano-ano kasi pinag-iinarte ko. Masyado kasi akong nagpapadala sa mga nangyayari. Anyway, balik na tayo sa normal kong buhay.
Papunta akong eskwelahan ngayon. Wala namang masyadong gagawin kasi malapit na ang semestrial break namin. Sobrang excited na ako kasi palagi na akong matutulog sa bahay within two weeks. Ganun naman 'diba? Kapag malapit na ang undas karamihan sa mga estudyante masasaya na kasi dalawang linggo silang mawawalan ng klase at syempre, isa na ako dun.
Sumakay na kaagad ako ng jeep diretso sa school. Sampung minuto lang naman ang byahe e. Tapos madalas late pa ako. Ganun ako katamad bumangon araw-araw. Pinagpapantasyahan ko kasi lagi ang kama at unan ko.
Pagkapasok ko sa may gate, nakita ko yung tatlong bullies. Tumungo na lang ako at dire-diretsong naglakad papunta sa classroom ko.
Pinapakiramdaman ko kung mapapansin ba nila ako o hindi. Mabuti na lang yung buhok nakalugay kaya madaling makapagtago ng mukha.
Bumubulong ako sa isip na sana hindi ako mapansin ng mga bullies...sige na kahit ngayong araw lang po sana naman tantanan muna nila ako ngayon..."Aw!" bigla akong nauntog sa kung anong mabango. Pagkatunghay ng ulo ko, napalunok ako bigla. Ayaw gumana nung wish ko. "Sorry! Hehe." yun na lang ang nasabi ko at naglakad muli na para bang wala akong nakita.
"Kiersten!" tawag nya sa pangalan ko.
Lumingon naman ako sa kanya. "Ha?" malay ko ba sa sasabihin ko. Tsaka wala naman akong sasabihin kaya ito na lang nasabi ko.
Lumapit sya sa akin at hinatak na naman ako kung saan. "Teka. Saan mo na naman ako dadalhin?" pagtatanong ko sa kanya. Dire-diretso naman sya sa paghatak sa braso ko. "Nasasaktan na ako! Susunod naman ako e, pakibitawan na lang yung braso ko." utos ko. Tiningnan nya ako sabay kalas ng pagkakahawak nya.
Nasa parking na naman kami ng kotse nya.
"Get in." sabi nya sa akin. Napakaseryoso naman nito ngayon. Pero hindi pa din ako sumusunod sa kanya. Napakatigas talaga ng mukha ko. Haha.
"Saan muna tayo pupunta?" parang bata akong nagtanong sa kanya.
Tinitigan nya akong muli. Iba na 'to, kasi nakakatakot na syang maningin. "I said, get in." utos nya sa akin.
Wala naman din akong nagawa, sumunod na lang ako sa kanya kaya sumakay na ako sa sasakyan nya.
Nag-drive lang sya. Walang music. Kaya sobrang tahimik ng aura dito sa sasakyan ngayon. Nahihiya naman akong mag-open ng topic kasi sobrang seryoso ng mukha nito ngayon. Ito yung kadalasan nyang mood e. Lalo na kapag sa student council seryoso ang mukha nyan kapag may mali sa mga napapatupad nila. Sabi lang sakin nila Gia.
"Ah...wala ka bang balak...magsalita?" pagbabasag ko ng katahimikan. Hindi ko na kinaya kasi. Hindi ako sanay ng ganito.
Kasabay noon, nandito na kami. Sa mall. Ewan ko kung anong mall ito kasi hindi ko nakita yung pangalan, napansin ko na lang na nasa parking na kami. Ang galing mag-parking nito, isang hanapan lang. Mayaman e.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomanceThis was very unexpected. Nakakagulat.