BNKEW: [3]

15 0 0
                                    

"Ms. Alvillar stand up please." Sir Gregorio


Wooh! Math 'to. Kapag minamalas nga naman oo. Ayaw ko talaga sa math kasi minsan ko ng pinagpilitan ang sarili ko sa subject na 'to wala ring kwenta kasi hindi man lang ako makakuha ng line of nine sa grade. Kaasar. Kaya isinusumpa ko 'to lagi sa klase.


Ito na. Problem solving. Juicecolored.


"Yes sir?" kinakabahan kong tanong sa teacher namin.


"This is not a problem solving question. So, can you tell us what is the formula used in getting the area of a triangle?" Sir Gregorio. Shems. Oo nga pala nasa mga area-area nga pala ang mga lessons namin ngayon. Bakit ba nakalimutan ko? Tanga e.


Jusme Gia ibulong mo sa akin ang sagot. "Sir, t-the formula is..." leche. Yung totoo kasi hindi ko alam. Ayaw namang sabihin ni Gia. Patawad Sir. "T-the formula of the area of a triangle is..."


"Don't be so nervous Ms. Alvillar." Sir Gregorio


"Ahm..." sobrang kinakabahan ako kung anong formula ba ang sasabihin ko. Pahirap kasi sa buhay ko 'to e. "A equals..."


"Can I excuse Alvillar?" napalingon ako sa likod at si...Sean Denver na naman? Anong kailangan na naman nya sa akin? Buhay. Malas ko ngayon.


Napatango na lang ang teacher namin sa kanya. Ganun sya kasikat dito? Hindi sya ordinaryong mayamang estudyante dito. Siguro may shares yan dito sa school. Pati teachers kayang pasunudin. O baka naman takot ang mga teachers sa kanya?


"Ano pang hinihintay mo?" masungit na tanong ni Denver sa akin. Wow lang. Nakakagulo ka ng araw ko. Nganga na nga ako sa recitation tapos eepal ka pa. Pero okay na din kasi 'di natuloy yung pagre-recite ko kay Sir Gregorio. Haha.


Sa inis ko formula na yan, napasunod ako sa kanya. Paglabas na paglabas ko, nandun na naman yung tatlo. Hindi ba sila pwedeng maghiwa-hiwalay kahit ngayon? Feeling ko kasi talo ako sa kanila at wala akong kawala dito. Sya nga pala, sina Gia at Kath napatango na lang sa akin kasi wala naman din silang magagawa para pigilan si Concepcion.


Asar e.


Sa laki nitong school namin, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Feeling ko sa mini park? Pero parang hindi. Kasi ibang way 'tong dinadaanan namin. Ang hirap ng tamad gumala.


Parang secret room naman nito. Parang underground kasi pababa e, tapos may stairs. Pagkabungad sa akin, ang aliwalas tingnan kasi ang linis-linis, ang bango-bango. Sabagay yayamanin naman 'tong mga 'to. Pero bakit dito?


"Ano na namang ginawa ko? Sean Denver Concepcion?" pagtataray ko sa kanya na sya namang palihim na tumawa ang tatlo. Mga gago.


"I have an idea. Alam ko na kung paano babalik sa akin si Cindy." nakangisi nyang sabi sa akin. Habang ako naman nakataas ang isang kilay dahil naku-curious ako sa kung anumang plano nya dahil alam kong kadamay ako dun.

Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon