Pagkatapos ng event, napansin kong hating-gabi na. Alas-dose na kasi orasan nila, pa-umaga na at gusto ko na ding umuwi sa bahay namin.
"Uwi na ako." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at dumeretso kami sa loob ng bahay nila. Sabi nya, hintayin ko daw sya muna ulit dito sa inuupuan ko kanina sa salas nila dahil nasa kwarto ang susi ng kotse nya.
Mabilis din naman sya at nakababa na sya kaagad. Pumunta na kami sa kotse nya at sumakay na kaagad ako. Inaantok na ako, siguro dahil sa umaga na nga.
Pinaandar nya ang kotse patungo sa lugar ko. Gusto ko mang ipikit ang mata ko, hindi ko magawa kasi baka mamaya pagdating sa tapat ng bahay ko ay buhatin na naman nya ako at makita na naman ng kapit-bahay namin. Kapag ginising naman nya ako, maiirita ako. Kasi masisira ang mahimbing kong tulog.
Makausap na nga lang sya kahit na akward, para hindi ako antukin sa lagay ko.
Lumunok muna ako dahil baka hindi na naman ako pansinin nito. "May ipapagawa ka ba sa akin bukas?" tanong ko sa kanya. Diretso lang ang tingin nya sa unahan, ni hindi man lang lumingon.
"Oo. Lunes bukas, nasa school tayo at simula ulit ng pagpi-pretend." seryoso nyang pagkakasabi. Napaisip naman ako.
"Lunes? Linggo kaya..." sabi ko at bigla kong naalala na madaling-araw nga pala ngayon ng linggo. "Hindi pala. Sorry." habol ko. Pucha, ang tanga ko na ngayon sa araw at oras.
Napansin kong ngumiti sya pero kalahati lang ng bibig nya ang ngumiwi. Napakatipid naman ng isang 'to. Libre namang ngumiti, siguro hindi lang nya talaga hilig o baka hindi sya sanay. Kaso imposible yun, lahat ng tao marunong ngumiti ultimo sanggol.
Naalala ko yung phone ko. Baka i-text na naman ako nito. "Nga pala, yung phone ko kasi nawala kaya 'wag kang magte-text or tatawag man baka kasi iba ang sumagot sa'yo." sabi ko sa kanya.
Ikinasabay naman nito ang pagtaas ng isa nyang kilay at bumaling ng tingin sa akin habang nagmamaneho. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to? Kahit na ang seryoso palagi ng mukha, yung ganitong tingin nakakagaan ng lungkot tingnan. Ano ba 'tong sinasabi ko. Parang ako naman ngayon ang nakakaranas ng pantasya. Putangina, 'wag naman.
Napailing na lang sya. Oo na, tanga ko nga e. Mas inuna ko pa yung utos mo kesa sa phone kaya napabayaan ko na lang na nakalapag doon sa may plywood ng banyo.
Hindi na sya umimik kaya natahimik na lang din ako.
Naaninag ko na ang bahay namin kaya alam kong malapit na akong bumaba. Nung tumigil na sa tapat namin ang kotse, parang ayaw ko na bumaba na gusto ko. Para akong tanga na hindi maintindihan. Wala yata ako sa sarili ko at ayaw kong bumaba sa kotse nya.
Narinig kong napabuntong-hininga sya. "We're here. Bababa ka ba o hindi?" sabi nya sa akin na para bang naiinis. Ang arte, sinusulit ko lang yung aircon ng kotse mo kaya hindi pa ako agad bumababa.
Syempre hindi naman talaga yun ang dahilan. Ang totoo, gusto ko pa syang makasama at titigan sya habang nagmamaneho. Pinapanalangin ko nga kanina noong malapit na kami na sana lumayo pa ulit yung bahay ko.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomanceThis was very unexpected. Nakakagulat.