Sean Denver Concepcion's Point Of View:
I was like a statue here. Gusto ko pa sana syang habulin sa mga oras na iyon pero hinayaan ko na lang sya kagaya ng sinabi nya sa akin. I thought she's okay with the deal pero anong nangyari? Pero sa totoo lang, parang ako din naman nadadala. I don't know why, pero ilalabas ko lahat 'to. Sa paborito kong place.
I called Calvin first but unfortunately, he's with Gia. Buti pa sya, nabago ni Gia. Binago ang ugali. Nawala na yung ugaling hindi maganda. Nakakapanibago lang. Then, I called Lloyd and he's with his family now. May family dinner daw sila kasi anniversary ng parents nya. Ganito ba ako kamalas ngayong araw at walang ni-isang gustong sumama sa akin?
Naisip kong iisa na lang ang hindi ko natatawagang number. Si Zack. I did not call him but I texted him. Para mas sumama pa sya sa akin. Sinabi ko kung saan at alam kong pupunta sya in an hour.
Dumeretso ako sa bar pagkababa ko ng rooftop.
Pagkapasok ko, hindi naman gaanong dami ang tao. Hindi naman 'to yung may mga sayawan. Classic, kumbaga inuman lang. Pero may banda paminsan-minsan. Ang ginawa ko, um-order kaagad ako ng liquor. Yung pinakang-matapang nila. Ganito ako kapag may iniisip at hindi maintindihan sa buhay ko.
"Is this your hardest drink here?" tanong ko dun sa bartender. Tinanguan naman nya ako at saka inamoy ang alak. Muka ngang matapang ang isang 'to dahil sa amoy nya. Amoy na amoy alak talaga. Lalo siguro kung ininom ko pa 'to.
I started to drink. Masakit sa lalamunan pero wala 'to sa sakit na ginawa ko kay Kiersten.
Bakit ba ang tanga ko? Nangako ako dati na hindi ako mananakit ng babae in literal way or not. Kasi yun yung sabi sa akin ni Lala. She's my grandmother. And she's gone now. Pero simula nung mawala sya sa mundong 'to, lagi na lang akong nanakit ng babae bukod kay Cindy. Si Cindy kasi naiintindihan ako, yung ugali ko at yung mga ikinikilos ko. Minahal ko sya dahil dun. Kaya ko ginamit si Kiersten para bumalik sya pero wal din naman tapos nasaktan ko pa 'tong isa. And she is my problem now.
Uminom muli ako. At naririnig ko na ang footsteps ni Zack. I know that he's here already, ayaw lang talaga nya siguro tawagin yung pangalan ko.
He seat beside me. "I know may problema ka. Ano yun?" he's so serious in his voice now. Ganito yan kapag alam nyang umiinom ako.
"Pakinggan mo lang ako pre. 'Wag mo kong papatigilin hanggat 'di pa tapos ang problema ko." nakita ko naman syang tumango. "All this time, pakiramdam ko ako lagi yung nawawalan, ako yung naiiwan, ako yung may kasanalan palagi. Gusto ko lang naman na maging kami ulit oo nung una iyon yung gusto ko, pero habang tumatagal ang pagpapanggap namin ni Kiersten, nag-iiba. Kasi madalas kami yung magkasama, ako yung nagyayaya sa kanya palagi kapag may kailangan ako. Alam ko sa sarili ko nung una na walang mangyayaring ganito kasi yung goal ko lang ang iniisip ko. Na madali lang kami magpapanggap. Pero hindi. I felt something that time nung una akong nag-alala sa kanya when she reaches the road. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman yun pero binalewala ko na lang basta. Isa nga talaga akong manhid. Kasi hindi ko talaga napapansin na pinapahalagahan nya pala ako. Na gusto nya ako. Hindi ko napapansin yun dahil atat ako sa ex-girlfriend ko na ayaw naman na talagang bumalik sa akin kahit anong gawin ko. May kasunod yung una kong naramdaman. Nung sinaayaw ko sya. Wala naman talaga dun si Cindy. I was also surprised that time to myself. Siguro dahil sya na lang yung nakikita ko sa upuan at lahat ng tao ay nagsasayaw na with their partners even my bully friends. Ginawa ko yun kasi ayoko syang nakikitang malungkot so I bought her a new phone. Akala ko mapapasaya ko sya dun, pero hindi pala. Tangina pre, kahit kay Cindy hindi ko ginawa ang mag-drama sa harap mo. Ngayon lang! Sabihin mo nga, ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito, ang hirap ipaliwanag? Hindi ba dapat hindi ako naapektuhan sa kanya? Bakit nalulumo ako ngayon? May gusto na rin ba ako sa kanya?" nagugulahang tanong ko kay Zack. Nakikita ko namang pinapakinggan nya lang ako.
Tinapik nya ang balikat ko at napangiti sya. "Ginagago mo ba ako Zack? Tangina, totoo lahat ng sinabi ko."
"It's love Concepcion. Kahit anong gawin mo dyan, hindi mo yan pwedeng baliwalain o pigilan. Kasi once na pigilan mo yan, baka maunahan ka pa ng iba or magsisi ka lang sa huli. Si Cindy? Hindi mo sya mahal Denver. You only need her. Kasi pinapakalma ka nya palagi. Kapatid lang ang turing mo sa kanya, kahit na sinabihan mo syang mahal mo sya. Nung iniwanan ka nya, nag-drama ka ba sa harap namin ng ganito? Hindi 'di ba? Oo nasaktan ka pero hindi ganyan ang epekto sa'yo. Wala pang isang araw, masaya ka na ulit. Pinapabalik mo lang sya kasi kailangan mo lang sya. Pero si Kiersten, nalulungkot ka nung tinapos na nya ang deal mo. Nanlulumo tapos nag-iinom ka pa. Kasi gusto mo na din sya. Kahit na ginamit mo lang sya as your girlfriend, alam kong pinapahalagahan mo na din sya, hindi mo lang nakikita sa sarili mo. Kung paano ka mag-alala sa kanya kapag may nangyayaring masama sa kanya. Sobra kang naapektuhan sa sinabi nya sa'yo kasi mahal mo na din sya. Hindi mo lang maamin sa sarili mo kasi iniisp mo pa din yung goal mo kay Cindy kahit na mas pumapangibabaw si Kiersten sa isip mo ngayon. Kung mahal mo talaga sya, bakit dito ka dumeretso? Ang tanga mo pre. Dapat hindi mo sya hinayaang umalis nung nasa rooftop kayo. Pero ito, payong kaibigan. Kung mahal mo sya, kalimutan mo na yung isa kasi mas masasaktan 'tong isa lalo na't alam mo na mahal ka na din nya. Piliin mo yung nasa puso mo ngayon kasi alam mong sya yung magpaparamadam sa'yo ng pagmamahal hindi dahil kailangan mo sya kundi dahil ito ang tinitibok ng puso mo at nasa isip mo. " paliwanag sa akin ni Denver.
Napatingin ako sa taas at uminom muli. I got his point. Oo minahal ko si Cindy kasi kailangan ko lang sya pero hindi ko naramdaman yung pagmamahal na dahil yun yung tinitibok ng puso ko. Pagmamahal na parang kapatid. Yun yung naramdaman ko sa kanya. Unlike Kiersten. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Zack. Piliin mo yung nasa puso mo ngayon kasi alam mong sya yung magpaparamadam sa'yo ng pagmamahal hindi dahil kailangan mo sya kundi dahil ito ang tinitibok ng puso mo at nasa isip mo. I mean it. I...I love her. I love Kiersten.
Tumayo ako at itinigil ko ang pag-inom ko. Tumingin naman sa akin si Zack at tinatanong ako kung saan daw ako pupunta pero pinigilan nya ako nung sinabi kong pupuntahan ko sa bahay sina Kiersten.
"Calm down. Hindi ka nga lasing pero naka-inom ka. 'Wag muna ngayon, ipagpabukas mo na yan." pag-aalala ni Zack sa akin.
Siguro nga. Naisip kong magpakalayo muna. Hihintayin ko na lang yung tamang time na kaya na akong patawarin ni Kiersten. Sana, walang magbago sa pagmamahal nya sa akin. Sana ganun pa din. Para kami ng dalawa. Sa ngayon, magpapakalayo muna ako. Babalik na lang ako kapag handa na ako.
Hintayin mo ako, Kiersten.
BINABASA MO ANG
Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]
RomansaThis was very unexpected. Nakakagulat.