EPILOGUE

7 0 0
                                    

Six years past...


Kinasal kami ni Denver sa States. Para akong lutang noon sa sobrang excited at kaba. Ang bata-bata pa kasi namin para ikasal. Pero aaminin kong, kinilig ako ng sobra. Noong nasa simbahan yung papalakad pa lang sa altar, sobrang kinakabahan ako at kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Hanggang sa natanaw ko na ang mapapangasawa ko. Ang gwapo-gwapo nya sa suot nyang white tuxedo. Sa panahong iyon, parang ayaw ko ng itigil yung kasal. Ang sarap kasi sa pakiramdam na habang-buhay na kayo magkakasamang dalawa at magmamahalan dahil nagsumpaan kayo sa isa't-isa.


Walang kung anong nangyari sa amin kasi nag-aaral pa kami. Nangako kaming pagkatapos namin ng kolehiyo tsaka kami bubuo ng isang pamilya. At natupad naman iyon. Nakapagtapos ako ng kursong dentista sa University of the Philippines. Pangarap ko kasi mag-aral talaga doon. Buti pumasa ako sa entrance exam. Si Denver naman sa Ateneo De Manila nagtapos, sa ibang bansa dapat yan mag-aaral kaso ayaw nya. Nakatapos sya ng kursong Civil Engineering. Hindi ko lubos maisip na makakamit namin ng sabay 'to.


Ngayon, nakapagpatayo na ako ng sarili kong clinic dito sa Makati. Si Denver ang naggawa ng plano nito kaya maganda. Next month bubuksan na yung isang branch nito sa Pasay. Ang saya lang, parang pinapangarap ko lang 'to dati kapag nagpapalinis ako ng ngipin tapos ngayon ako na yung mismong dentista.


Si Denver naman, madalas na iba't-ibang bansa kasi pinapadala sya lagi nung company na pinapasukan nya kaya madalas akong naiiwan. Inaaliw ko na lang ang mga sarili ko sa clinic kapag wala sya.


Sina Gia at Kath naman ganun din.


Si Gia pinatunayang sila nga ni Calvin ang magkakatuluyan sa huli. Nakatapos sya ng Business Management tapos si Calvin naman Fine Arts ang natapos at kasalukuyang nagmo-model sa isang sikat na signature brand ng damit sa France. May anak na sila, si Gav at one year old na 'to. Syempre kaming dalawa ni Kath ang ninang ni Gav. Tapos mga bullies naman ang ninong including my husband.


Kay Kath naman, ganun din. Sila ni Lloyd sa huli. Nakakatawa lang. Parang itinadhana kaming tatlo sa mga bullies. Nakapagtapos si Kath bilang Fashion Designer at si Lloyd naman ay Architect. Minsan nagkakasama si Lloyd at Denver sa ibang kontrata kaya laging may hang-out yung dalawa kapag magkasama. Wala pa silang anak kagaya namin. Hahaha. Sobrang workaholic kasi namin. Joke. Siguro hindi pa ito yung tamang time para dun.


Back to normal.


Wala akong pasok ngayon kasi sarado ako tuwing Sunday. Gusto ko sa bahay lang at manuod ng manuod ng movies. Parang yung dati kong ginagawa nung high school pa lang ako. Puro horror movies lahat pinapanuod ko tutal tanghali naman ngayon.


Nga pala, si Denver at Lloyd ang nag-design nitong bahay namin kaya sobrang modern ng itsura nito loob at labas.


Biglang may nag-dorbell. Alam na naman yun nung isa naming katulong kaya sya na nag-bukas. Isa lang pati ang katulong namin gawa ng pagka wala ako sya ang nagbabantay nitong bahay.


"Sino daw yun Ate Maring?" tanong ko. Pero nakangiti lang sya sa akin at binanatan ng alis. Minsan talaga may pagka-baliw 'tong katulong namin. Nanuod na lang ulit ako. Akala ko naman kung sino.


Niligpit ko na yung pinagkainan ko ng snacks at juice. Ang kalat ko talaga kumain kahit kailan.


"Did you miss me?" napalingon naman ako sa nagsalita.


Bigla naman akong napangiti at binitawan ang hawak kong basura pagkatapos ay tumakbo agad sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit, yung parang isang taon kaming hindi nagkita kahit na tatlong buwan lang sya nawala. Iba pa rin kasi kapag nandito sya.


Binuhat naman nya ako na parang bago kaming kasal at umakyat papunta sa kwarto namin. Gahd. Ano ba 'tong naiisip ko?


"Sobrang na-miss kita. Bakit ba kasi ang tagal mong umuwi?" tanong ko sa kanya pagkasara nya ng pinto. Pero buhat-buhat pa rin nya ako. Inilapag nya ako sa kama.


"I'm already here now love. Na-miss din kita ng sobra." sya naman ngayon ang yumakap sa akin habang nakaupo kami sa gilid ng kama. "I miss you so much. I miss everything to you. I miss...your lips." at bigla nya akong hinalikan.


Damang-dama ko yung longing nya sa akin. Yung pagka-passionate ng kiss nya iba. Pero hanggang ngayon, kinikilig pa din ako. Mga ilang minuto bago nya naramdamang nawawalan na kami ng hininga sa isa't-isa. "I have a pasalubong to you love." pang-aakit nyang boses sa akin.


"May pasalubong ka sa akin? Ano?" sabi ko sa kanya na halatang naku-curious ako.


Bigla nya ulit akong hinalikan. This time, iba na'to. It's a deep kiss. Kasabay nito ang isa-isa nyang pagtatanggal ng suot ko. Hanggang sa bumaba ng bumaba ang kanyang mga halik sa aking katawan. Nabigla na lang ulit ako nung bigla syang tumigil. "I love you so much Kiersten." sabi nya.


"I love you too Denver." sagot ko.


And the rest was ecstasy.


THE END.



Boyfriend na kita? EDI WOW. [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon