Kabanata 2

159 5 0
                                    


Kabanata 2

Tawa




Sinadya kong agahan. Hindi pa gaanong nababanaag ang araw sa kalangitan pero nandito na ako.

"Kaya mo pa ba?"

I raised my hand to dismiss Aliegher's worry. Ngumiti ako at kumurap kaya pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi pa man natutuyo ang bakas ng luha sa pisngi ko, humapdi ulit ang mga mata at nanubig nang umusok ulit ng makapal ang sinisigahan ko.

I'm such a terrible liar.

"Ako na-"

"Kaya ko pa naman!" agap ko at umalerto nang naramdaman ang nagtatangkang kilos ni Aliegher.

Siya ang nadatnan ko rito pagkarating ko. Naabutan ko sa kusina na nagtatadtad ng mga rekados.

I wiped a stupid tear and turned to my back to see him. Nakatayo lang pala siya sa likod ko at nagtataka sa lahat lahat.

"May stove sa loob. Hindi mo kailangan maiyak sa pagtatiyaga sa kahoy," he reminded me.

Tipid akong tumango.

"Alam ko. Pero ang sabi ni Lolo iba ang luto sa stove at ng sa kahoy. Mas masarap ang luto rito."

Nahuli ko ang maliit na galaw ng kanyang mga kilay.

Suminghap ako.

"Si Nanay Agustina 'yan. Maiintindihan niya ang sinasabi ko dahil siya ang nagsabi kay Lolo na..." kusa kong itinikom ang bibig nang mukhang napasobra ako sa sinasabi.

I looked carefully at Aliegher. Akala ko magagalit o maiinsulto pero hindi naman. He gauged my reaction instead when it should be him I am worrying about.

"Ayos lang. Ituloy mo ang sinasabi mo," aniya.

I pressed my lips. Diin na diin ang mga labi ko habang pinapaalalahanan ang sarili na huwag masyadong madaldal sa susunod.

Gumuhit agad ang iba't ibang kulay sa kalangitan kaya nataranta ako ng kaonti. Hindi pa ako nakakapagpakulo ng tubig!

Good thing that Aliegher is here to assist me. Nawala saglit kanina. Akala ko umalis na para maghanda para sa trabaho pero kalauna'y bumalik din at may dala ng panggatong.

I moved a bit to my side when he joined me. Seryoso at tahimik lang na inaayos ang sisigahang kahoy sa tabi lang ng pinapakuluan ko ng tubig.

"Okay lang ba kung tulungan na kita? Mukha kasing matatagalan ka pa kung hahayaan ko lang," sabay sulyap niya sa akin.

I nodded. Wala namang kaso sa akin. And I am not that prideful to refuse any help. Isa pa, may karapatan siyang kumilos dito dahil siya naman ang apo.

"Ikaw na ang sa ulam?" tanong ko.

"Oo..."

Tumango ako. "I'll let you do that. Pero pwede bang ako na ang magtimpla?"

Saglit kaming nagkatinginan. Shoot!

"Uh... I mean, may gusto akong lasa na gusto ko ring ipatikim kay Nanay Agustina," nagtunog nagpapaliwanag ako.

"Kung 'yan ang gusto mo," si Aliegher na mukhang hinahayaan lang talaga ako sa mga gusto kong gawin.

Bago pa man ako tumulak pa Primavera, nasaulo ko na agad ang lahat ng bilin ni Lolo. I am not talking about serving Agustina Solera all of these. Lolo is just particular of the taste. Iyong lasa na gustong gusto ni Agustina Solera.

Hindi ko alam kung iba lang ba talaga ang panlasa ni Nanay Agustina o talagang nakakapanibago lang itong niluluto ko. At mukhang pati si Aliegher ay nahihiwagaan din sa nakikita.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon