Kabanata 4Wait
Agustina Solera smiled.
"Alam kong hindi ka umalis kaya nga hinanap kita rito," at lumapit na para dumalo.
"Esconte, ang ganda ng mga bulaklak."
Gusto kong sumabat. Sumang-ayon. Pero hindi ko mahanap ang boses para umingay.
Nagpalitan sila ng tingin at matamis na nagngitian.
"Mirasol para sa 'yo," sabay abot ni Lolo ng bulaklak kay Agustina Solera.
Agustina giggled at the sweet gesture. Kinuha iyon at bahagyang inamoy.
"Mas bango pa rin ang rosas, tingin ko," mahinang tawa ni Lolo.
May kulit sa ismid ni Agustina Solera at kalaunan ay natawa.
"Maganda pa rin naman. Ito ang binigay mo sa akin kaya ito ang magiging ala-ala mo sa akin."
Lolo took out his camera. May kinalikot doon saglit bagi iniamba ang tutok no'n sa harap.
"You stand in the middle of the garden. Kukuhanan kita."
Agustina's innocent laugh gave Lolo a genuine smile. Ngumuso si Agustina at ginamit ang palad para takpan ang lens ng camera.
"Hindi na kailangan."
"Gusto ko kahit sa tingin mo hindi kailangan."
"Esconte, marami pang araw para riyan."
Sinilip ni Lolo si Agustina sa likod ng camera.
"Pero hindi na tulad ng ngayon ang bukas o ang sa makalawa. It will not harm me to take pictures of you everyday, under different weather, or in different lights."
Gusto pang magprotesta ni Agustina Solera pero dahil mukhang matigas ang disposisyon ni Lolo, sumunod na rin sa kanya.
She strode towards the middle spot of the garden. Diretso ang tayo at matamis na ngiti ang iniharap sa camera.
"Teka lang!" pigil ni Agustina nang naramdamang nahulog ang hawak na bulaklak sa lapag.
The wind blew just when Lolo clicked to capture. Hinipan no'n ang bestida ni Agustina Solera. Pipigilan sana ang pag-angat ng suot kaya nabitawan ang mirasol.
Napangiti ako sa nangyayari. I stood under the shade of the hotel's shadow. Diniinan ang pag-ipit sa labi nang muntik nang mabosesan ang tahimik kong tawa!
Ilang kuha rin ang ginawa ni Lolo bago pa man nakatayo si Agustina mula sa pagyuko. Lumapit ako kay Lolo para tingnan ang mga kuha.
All shots are good. Pero dahil may mga pagkakataon na natatawa siya kay Agustina, may ibang malabo ang kuha.
Kumpara sa mga litratong kuha sa hardin, 'di hamak na mas maganda ang mga kuha ni Lolo kay Agustina Solera sa bandang dagat ng hotel.
The crystal clear water of the sea was illuminated by the sunbeam. Banayad ang alon na hindi halos magawang alugin ang bangka.
Sa may kalayuan ay tanaw ko ang dalawang masaya sa pamamangka. Habang ako ay nandito lang sa tabing dagat, tinatanaw sila at inaaninag sa ilalim ng lilim nitong coconut tree.
"Esconte!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Treti looks stern in her black dress. Half of her face is in the shade of her straw hat with ribbon as its design. Naka salamin rin, sa likod no'n ay ang nanliliit na mga mata. Lumulubog ang takong niya sa buhangin. Ganunpaman ay lumakad pa para mapalapit sa along humahalik sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Hold Me Into Fading
Romance(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whims. Masyado niyang kinukunsinti ang hiling ng abuelo na makausap ang babaeng 'yon na kahit pa ang sarili niyang buhay sa Cagayan ay iniwan ni...