Kabanata 22

67 1 0
                                    


Kabanata 22

August



"Her blood pressure dropped causing her to faint. Well, this is a case of emotional stress. Just try to eliminate stressors or any stressful events that could trigger. And of course, she should rest."

"I see. Thank you for that Raulio."

"No problem. And for your request, I will not expose anything about this session with Vioreliese La Clava Del."

Saka lang ako nagmulat no'ng humupa ang ingay ng nag-uusap sa silid. Hindi na naabutan ang pag-alis ng siguro'y doktor na kausap ni Treti.

She saw me awake. Dumalo sa tabi ng kama ko at saglit akong pinagmasdan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Reel?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled a bit.

"Okay na ako. I'm sorry for causing you trouble."

"Refrain from your apologies. Hindi mo naman ginusto 'yon. Isa pa, tingin ko'y masyado ka nang nasestress sa lahat ng nangyayari. Idagdag pa ang mga nalaman mo, your mind couldn't take it all in and your body has reacted. The doctor's advice is really to rest and avoid any form of stress."

"I will..."

Saglit siyang natahimik. Inisip pa ang gustong sabihin.

"I know it surprised you. I mean... about my relationship to Avram. I should've informed you beforehand."

Tumango ako. Muntik ko na naman sanang isipin ang paglilihim ni Treti sa akin pero hindi na natuloy. Ang sabi ng doktor, kailangan kong magpahinga. I am doing that to recover fast.

Aaminin kong ginulat ako ng lihim ni Treti. That was a big surprise. Hindi ko kailanman pinagdudahan na maaaring pamangkin pala ni Treti si Alessi. I mean, how would I know? I don't know much about Treti and Alessi. At mas lalong hindi ko alam ang tungkol kay Avram!

"You're thinking too much," suway ni Philip nang napansin akong napapahilot ulit sa sentido ko.

"I'm fine..."

"You're utterly not. Stop denying it, Reel. Gusto mong maka-recover agad sabi mo."

"Philip, tatlong araw na akong hindi lumalabas ng hotel! I couldn't enjoy the beach! I am always here in my room to rest and sleep all day! Maha-high blood ako kung palaging ganito!"

He sighed. Alam kong sa bawat araw na itinatagal ko rito sa Primavera, gano'n din katagal na mawawala si Philip sa Cagayan. He has business to tend. He has exhibits to handle!

"You're shouting. Nasestress ka na naman," paalala niyang ikinairap ko.

I breathed in to at least calm myself. Paulit ulit 'yon hanggang sa tuluyang kumalma ang isip ko.

"I'm bored in here," I admitted.

"I know. Ano bang gusto mong gawin? You want to visit the garden?"

Sinilip ko ang labas at nakita ang matingkad na sikat ng araw. It is sunny and it doesn't actually scare me. Ang inaalala ko ay mga bisita sa baba.

Umiling ako kay Philip.

"Too sunny. Maraming tao sa labas para mag-beach. Ayokong makihalubilo."

"Figured that out. So what is the best thing to do?"

Tatlong araw ko pang pinag-isipan ang bagay na 'yon. I have thought of something that seems crazy for Philip and Treti. Nagpalitan sila ng tingin dahil parehong hindi kumbinsido sa naisip ko.

"Won't it stress you?" baling ni Treti sa akin.

"You told me you have to take care of Avram for days since Alessi and Aliegher will be out for work."

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon