Kabanata 25

71 2 0
                                    


Kabanata 25

Seal








"What happened to Vior?"

Maganda ang gising ko para sa araw na 'to. Gano'n din ang pamangkin kong nilalaro na ang buhok ko. Pero parang hindi ang kay Vior.

"Hindi siya gaanong nakatulog kagabi. Hindi mapakali na hindi kasama ang anak," sumbong ni Juana na pinaghanda ng kape ang kapatid ko.

"I thought it was fine with you?" naibato ng gulat ko sa narinig.

Vior glanced at me. Mukha nga siyang puyat. Pero handa na para sa trabaho.

"It was fine. Nag-alala lang ako na baka umiyak at hindi mo mapatahan."

"Hindi na 'yon kailangan dahil hindi naman umiyak. August likes her Tita. She won't cry."

"Who's gonna cry?"

Nakangiting dumalo si Mama sa amin. Ako ang unang nilapitan para humalik kay August na nasa akin pa rin.

"I never thought Vior would be this OA to his daughter," komento ko at lumapit kay Juana para ibigay sa kanya ang anak.

"He is very protective to August, Reel," panggagatong pa ni Mama.

Sumulyap ako sa kapatid. I almost laughed at his look. Para bang masyado naming pinagkakaisahan ni Mama! Hindi naman din maitanggi ni Juana dahil alam naming lahat na gano'n talagang klase ng ama si Vior.

Gano'n pa rin ang itsura ng kapatid ko kahit pa nagpaalam nang tutulak sa trabaho. After breakfast, Mama started talking about the wedding.

"Mas gusto ko lang po sanang dito na lang po idaos ang kasal. Sa kapilya," si Juana.

Kapilya? Iyon ba 'yong tinigilan ko no'ng unang apak ko ng Primavera? Kung saan ko unang nakilala si Aliegher?

"Ayaw mo ba sa malaking simbahan? A cathedral will cater all guests, ija."

Juana smiled to soothe her worry.

"Tayo tayo lang naman po ang bisita, Mama. Wala naman po kaming iimbitahin mag-asawa."

"But I have people in mind that I would like to be present in this wedding."

"Ma..." suway ko sa magulang kong mukhang gusto pang pangunahan ang desisyon ng mag-asawa.

"Kaya naman po sigurong i-cater ng kapilya ang lahat ng dadalo sa kasal," si Juana ulit.

"I think fifteen to twenty people, Juana. Mga bisita ko lang 'yon. Hindi pa kasali sa bilang ang sa inyo."

Nagkatinginan kami ni Juana. She gave me a meaningful look. Parang nanghihingi ng tulong.

Bumuga ako ng hangin saka bumaling sa nanay.

"Invite all of them if you want. But I think Juana is right. We don't need such place like cathedral for this wedding."

Nagbukas ng pamaypay si Mama. Sinimulang paypayan ang sarili dahil nag-iinit ang ulo sa mga pagsuway ko sa mga gusto niya para sa kasal nila Vior.

"Okay, sure," may sama pa ng loob akong nahimigan!

Binalikan ng tingin ko si Juana.

"Saan ang naisip ninyong reception?"

"Sa bukid sana. Iyong malapit sa ilog. Patag naman ang lupa ro'n. Madalas na picnic area ng ibang taga baryo."

"Malapit sa parte ng lupa ng mga Abenes?"

"Hindi rin. Malayo pa ro'n ng kaonti."

"Oh! Oh! How about the gowns? Ang susuotin ng bride at ng mga abay?" singit ni Mama, na-eexcite na pag-usapan ang tungkol do'n.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon