Wakas

214 5 0
                                    


Wakas



"Hindi ako nagkamaling ipangalaga sa iyo ang lahat ng 'to. I was hesitant before, must admit. But now that I am still seeing these in good condition even after years, I know I made the right choice."

Ngumiti ako kay Treti na kanina pa nakikinig sa akin.

"I always make sure that your artworks are well tended, hija. These are not just portraits and all. Alam kong mahalaga ito para sa 'yo at alam ko rin na mga ala-ala ito nina Esconte at Agustina," sabi niya pa.

Tumango ako. Muling binalikan ng tingin ang mga naipinta ko noon na nasa parehong ayos at kondisyon pa no'ng ipinaubaya ko kay Treti. It warms my heart seeing everything still in its glory.

Bumisita ako sa memorial hall ng hotel para makitang muli ang mga ito. Good thing that Treti is free today kaya siya ang kasama ko rito ngayon sa pagtitingin. She requested the curator to take a day off since this visit of mine will be exclusive.

Sumulyap ako sa kanya. Treti aged. Puti na ang lahat ng hibla ng buhok at medjo pumayat din. Naging klaro ang mga kulubot sa gilid ng mga mata niya at nahahalata na rin ang panghihina ng katawan. Her look right now reminds me of the Agustina Solera I met on my first arrival.

Tumuloy kami sa maliliit at mabagal na lakad.

"If you must know, kahit nakakahiya mang sabihin, minsan naiinggit ako sa kanilang dalawa sa tuwing nadadatnan ng tingin ko ang mga gawa mo, Reel," amin niyang sinundan ng nahinang tawa.

"I always get to ask myself of the low chance of being remembered this way. You know, to live long... generation by generation... for a century... or for a centennial. Or will I be able to make it to last for a continuous years until the last of my blood? I don't know."

"It is possible. Someone only has to immortalize the idea of you."

"I know," she smiled. "But will there be even one who would bother to do it in remembrance of me? Hindi lahat ay gaya mo, Reel. Hindi lahat kayang bigyan ng ganitong klaseng atensyon at importansya ang mga ala-ala at ang nakaraan."

Hindi ako nakasagot. Tumigil kami sa harap ng isang portrait ko para kay Agustina Solera.

Treti stared at it in sad eyes.

"The passing of the old ones is, most of the time, the death of everything else. And everything is left behind. I understand, anyway. We have a life to live, and sometimes we are just too caught up of it as the present is consuming all of us. Kaya minsan hindi na rin importante ang nasa nakaraan. Saka na lang iyong mga napaglipasan na ng panahon."

Nilingon niya ako at tipid na nginitian.

"Let's not talk about it. May nasagap nga pala akong tsismis," she paused to intrigue me.

Pero hindi na 'yon kailangan dahil alam ko na kung saan patungo itong usapan!

I smiled shyly. I knew it! Alam kong kapag nagkita kami ni Treti, imposibleng hindi mapagbigyan ang topic na 'to!

"My oh my! Hindi ako makapaniwalang mahihiya ka sa mismong harap ko!" at tinawanan ako.

Ngumuso ako. Tuluyan na akong hinarap ni Treti. Diniinan ang pagkakatukod ng sungkod niya sa marble floor ng kanyang memorial hall.

"Sinasabi ko na nga bang kayo rin ni Napoleon ang magkakatuluyan," she said proudly.

"You saw it coming?" I asked, dubious.

"No'ng una ko kayong nakitang magkasama, alam ko na agad, hija. If you were to ask, I surely know how to spot love in the eyes-"

"It wasn't love at first sight," giit ko, medjo nahihiya na namamangha.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon