Kabanata 8

64 2 0
                                    


Kabanata 8

Kaba






I blended well in the crowd. Hindi ako gaanong napapansin. At mas gusto ko iyon.

I felt a bit hot here than in the shoreline waiting for the fishermen to dock. Mahangin sa daungan. Doon kami bumili ng mga sariwang lamang dagat. Mainit dito sa palengke kung saan kami mamimili ng gulay at karne.

"Singkwenta, sige na, Nay. Singkwenta na huling presyo."

Agustina Solera smiled sweetly. "Kwarentay singko..."

My lips parted a little. Lumipad ang tingin ko sa tindera na problemado na kung paano pa makikipagtawaran kay Nanay.

"Singkwenta na talaga huling tawad. Puhunan na nga lang ang akin niyan, Nay," sigurado na talaga ang tindera sa presyo.

Hinawak ko ang braso ni Nanay nang amba siyang tatawad pa. Ngumiti ako sa kanya.

"Ako na po ang bahala rito, Nay. Do'n na po muna kayo kay Aliegher para hindi kayo masagi ng mga dumadaan," I talked to her sweetly to at least sound convincing.

Pumayag naman siya at lumapit sa apo sa kabilang kalsada. Pareho silang nakasilong sa lilim.

Nilingon ko ang tindera.

"Pasensya na po kayo, Ate," paumanhin ko at nag-abot ng bayad.

Singkwenta ang kabuuang binayaran ko. Mukhang napanatag si Ate na hindi na ako nanghingi ng sukli. Akala niya siguro kulunin ko pa ang singko pesos na sukli.

Ngumiti ako sa kanya bago tinanggap ang baguio beans na binili.

"Tinawaran mo ba?" salubong agad ni Nanay nang nakalapit ako sa kanila.

"Singkwenta po ang ibinayad ko, Nay. Dinagdagan ko po kasi ng kaonti," I felt guilty that I lied.

Sinunod namin ang iba pang bibilhin. At sa bawat tindahan na tinitigilan, sa parehong eksena, laging tumatawad si Nanay!

"Isang kilo po," ako na ang nakipag-usap sa tindera.

Aliegher seemed to notice my frustration at the scene that he talked to Nanay. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila pero nang natapos akong magbayad para sa isang kilo ng karneng manok, natanggap ko ang paalam ni Nanay na uuwi na.

"Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Kinabahan agad ako. Na-offend ko ata si Nanay? O baka napasama ko ang loob niya?

Gumapang ang tingin ko kay Aliegher.

"What did you say to her?" kibot ng labi kong hindi niya pa ata nahuli!

"Papara na ako ng tricycle," si Nanay Agustina at lumakad para pumara ng masasakyan.

"Masama ba ang loob sa akin?" iyon agad ang bato ng tanong ko kay Aliegher.

"Hindi, Reel. Ayos lang si Nanay."

"Bakit bigla siyang uuwi?"

"Tumitindi ang sikat ng araw. Pinayuhan kong umuwi na lang at magpahinga sa bahay. O kaya ay maghanda para sa pagdating ni Juana mamaya."

"Mag-isa siyang uuwi?"

Hindi ko natanggap ang sagot ni Aliegher. May ininguso siya sa kung saan. Lito ng kaonti, sinundan ko iyon ng tingin.

There I saw Agustina Solera with Mang Adiong. Maraming dalang cellophane si Mang Adiong at mukhang galing sa pamamalengke. Pauwi na rin ata tulad ni Nanay.

"Nasabihan ko na si Mang Adiong na bumisita sa bahay mamaya. Tutulong daw siya sa paghahanda," si Aliegher sa likod ko.

Tumango ako. Napanatag naman kahit paano kaya tumuloy na rin kami sa pamamalengke kalaunan. This time, everything went smoothly. Hindi ako nakipagtawaran. Maliban kasi sa nahihiya ako, hindi rin ako marunong kung paano iyon.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon