Kabanata 18Need
At least I have my artworks with me.
Dinala ko lahat nang umalis. Wala akong iniwan ni isa sa mga 'yon. Malayo sa maraming iniwan ko sa Primavera.
I love my artworks. I can't just leave them behind. Hindi, lalo pa't doon titira sina Vior. Ayokong makita nila ang mga gawa ko. Hindi pwede.
"Vioreliese! Why are you here?!"
Hindi ko inintindi si Mama. Hinarang niya ako dahil nadatnang papasok na ng bahay.
"Vioreliese!"
I stopped on my walk. Nilingon ko siya. Una ko agad napansin ang ayos niya ngayon. She looks like leaving.
"Am I not supposed to be here, Mama?"
Hindi ako galit. Hindi rin iritado. Nasa saktong lakas lang ang boses. Tama lang para sa ugali ko sa usapang gustong umpisahan ni Mama.
Pinadaanan niya ako ng tingin. Pumagilid nang dumaan ang mga kasambahay na pinakiusapan kong magdala ng paintings ko papasok ng bahay.
"Reel... what's this? What's happening?" tanong niya pagkatapos sundan ng tingin ang mga katulong.
"I'm staying here in Cagayan. I will keep my artworks in my room if we ever have no space for them."
"Akala ko nasa Primavera ka? Iyon ang sabi ni Vior."
"Bumalik ako rito. I have no reason to stay there any longer."
"Hold up! What's with the sudden change of heart?"
Suminghap ako para magpasensya pa.
"Do you have any modeling stint for me?" pag-iiba ko ng usapan.
Ang totoo niyan, hindi ako sigurado. I asked it half heartedly. Ni hindi ko alam kung gusto ko nga ba 'yong asikasuhin ngayon. Kung gusto ko nga ba talaga ng trabaho o humahanap lang ako ng mapagbabalingan ng atensyon.
Mama blinked to recover.
"Nothing as for now. But I can tap my friends who are in the industry to-"
"No need, Ma. Let's just wait for it. Nabigla lang din siguro ako," my voice fading.
Lumapit si Mama sa akin. Inanyayahan ako sa sala para doon ipagpatuloy ang pag-uusap.
"What really happened?" tanong niya na para bang sigurado siyang hindi ako uuwi rito kung ayos lang ang lahat sa Primavera.
It snapped on me. Right! Manganganak na nga pala si Juana no'ng umalis ako.
Naupo ako sa couch. Hindi naman sumunod si Mama at nanatili lang na nakatayo sa harap ko.
"You were about to leave, Ma. Saan ang punta mo? Sa Primavera ba?" tumango ako kahit hindi pa naman siya sumasagot.
"You must be leaving for Vior and his wife. Isisilang na ang apo mo."
I wasn't surprised to see Mama's shock. Ang tagal pa bago nakasagot sa akin.
"Vioreliese... alam mo na?" she wanted it confirmed.
"Ang daming gumulat sa akin pagkabalik ko ng Primavera pagkatapos ng libing ni Lolo. First, Agustina Solera's sudden death. Then Vior's civil status, his wife, and then child. Last, Aliegher's family," may nakawalang iritasyon sa tono ko.
"You seem to know everything. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, Ma? Lalo na ang tungkol kay Vior!"
"Reel," she sighed. "I was not in the position to tell you of things. Your brother even asked me to keep it from you. Sila na raw ni Juana ang magsasabi sa 'yo-"
BINABASA MO ANG
Hold Me Into Fading
Romance(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whims. Masyado niyang kinukunsinti ang hiling ng abuelo na makausap ang babaeng 'yon na kahit pa ang sarili niyang buhay sa Cagayan ay iniwan ni...