Kabanata 13

47 1 0
                                    


Kabanata 13

Panaginip








Hindi ko alam kung paano ako babawi sa mga Zaledres sa ilang araw kong hindi nakadalaw sa kanila. I couldn't think of words to greet them. Sumusugat lang sa labi ko ang isang ngiti habang papunta sa kanila.

Bahala na! I should not practice my greetings. Saka na lang kapag nandoon na ako o kung ano man ang madatnan ko.

Si Juana.

Si Juana lang ang nadatnan ko sa bahay nila nang dumating ako. She's alone and sweeping the floor.

"Si Aliegher?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"Tumulak na sa trabaho, Reel."

I nodded. I shouldn't have expected to see Aliegher here at this hour. Hindi ako maaga kaya dapat inasahan ko na na nasa trabaho na siya sa mga oras na 'to.

"Si Nanay Agustina?"

Hindi agad sumagot si Juana. May tinanaw lang sa likuran ko, malayong banda ng tabing dagat.

"Nasa tabing dagat, tulala na naman," her sadness so loud in her voice.

Nilingon ko ang tinatanaw niya. Nandoon nga si Nanay. Nakaupo sa buhangin at kahit sa ganitong distansya, pansin ko na ang layo ng tingin niya.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

Dinala ni Juana ang tingin pabalik sa akin.

"Hindi ko rin alam, Reel. Isang araw, nagising na lang siya at malalim na ang iniisip. Laging nawawala sa mga iniisip niya."

Tumango ako at muling sinulyapan si Agustina Solera.

"Okay lang ba kung dumalo ako sa kanya?" balik ko ng tingin kay Juana.

"Hindi siya gaanong nagkekwento nitong nagdaan pero subukan mo lang. Baka gusto kang makausap."

Nagkaintindihan naman kami ni Juana sa bandang 'yon. I left her to join Agustina Solera in the shore. Ang sabi ni Juana, susunod siya sa akin kapag natapos na sa pagwawalis.

I cleared my throat when I neared her. Masyadong malalim ang iniisip ni Agustina Solera para mapansin pa ang paglapit ko.

"Nay..."

Saka lang ako nilingon nang banggitin ko ang tawag sa kanya.

She lifted up her gaze to my soft call. Sandaling tinitigan ako bago unti unting ngumiti.

My brows shut. Parang may kakaiba sa tingin niyang 'yon. Para bang hindi niya agad ako nakilala.

"Ikaw pala, ija."

It doesn't even sit right to me that she didn't mention my name. O ang tonong ginamit niya... parang hindi sigurado kung sino ako kaya hindi na tinawag sa pangalan ko.

I shrugged my thoughts off. Umupo ako sa tabi niya at tinanaw na rin ang malayong dulo ng dagat.

"Bakit nandito po kayo?" marahan kong tanong sa kanya.

"Maganda rito sa buhanginan. Malamig ang hangin kahit medjo mainit na ang araw sa itaas."

"Hindi naman po ba kayo naiinitan?"

Nilingon niya ako.

"Mainit pero kahit paano'y nasasangga naman ng malamig na hangin," at nginitian ako.

I nodded understandingly. Saglit kaming natahimik.

Siguro nawawala na naman siya sa maraming iniisip. At ako, pinapakiramdaman lang siya.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon