Kabanata 26

82 4 0
                                    


Kabanata 26

End





"Philip!"

"Vioreliese!"

Namimilog ang mga mata kong tinanggap ang yakap sa akin ni Philip. Hirap pa akong makabawi sa gulat na makita siya rito, hindi pa nakatulong ang nang-uusyusong tingin sa akin ni Mama!

"Treti invited me to join the table," si Philip nang lumayo sa akin.

Napilitan akong bawiin ang tingin kay Mama na kung tinitigan ko pa ng ilang segundo ay magiging mapagbanta na ang tingin sa akin. Binalingan ko si Philip na iginigiya na ako sa silya ko sa hapag.

"Nakakatuwa naman!" Treti giggled that fueled the tension.

Sumulyap sa akin ang kapatid kong halata sa mukha ang kagustuhang magtanong. Ang silya sa kanan ko ang inukupa ni Mama dahil nasa kaliwa ko si Philip. Si Treti ulit ang nasa kabisera at sa kabilang dulo ay si Vior.

"Mabuti at napaunlakan mo ang imbitasyon ko, Philip."

"Sure, Miss Treti. I have no reason to refuse."

Buong akala ko, ang mag-asawang Alcanzare lang at ang pamilya ko ang madadatnan para sa hapunan. Hindi ko ata alam na nandito rin pala si Philip at-

"Leon?"

Mas dumoble ang gulat ko sa lalaking umupo sa silyang kaharap ng sa 'kin!

"Oh, wow! Hi, Liese," he smiled so sweetly.

Iniwasan ko agad ang banda ni Mama. I can feel her intimidating stare. Alam kong gusto niya na akong magpaliwanag ora mismo!

"Good thing that you already know each other!" galak na galak si Treti. "Vioreliese, hija, I didn't know you already met my amiga's son!"

Lumingon ako sa kanya.

"Amiga's son?"

"Yes. Napoleon is my special guest in the hotel," bumaling siya sa binata. "How come you met my dearest Reel, Paul?"

Leon sipped on his water. Siguro'y naiilang sa biglang paninitig sa kanya ng lahat sa hapag.

"Uh..." ibinaba niya ang baso sa mesa. "Napansin ko siya sa lobby ng hotel na pinagmamasdan ang painting do'n. How shameless I was that I approached her and made introduction."

"That's romantic. No wonder you seem to have lovely nicknames for each other. Liese and Leon," si Treti na halatang nang-uudyok ng mas malalang tensyon.

"Gwapong binata itong si Leon," pakikisali ni Mama.

Hindi ko alam kong sarkastiko siya o may hinanakit sa naging papuri kay Leon.

Leon smiled. "How flattering..."

Mama glanced at me with her intriguing eyes. Naningkit ang mga mata ko. Hindi makuha ang iginagalaw ng ulo niyang bahagyang pumipilig.

"Philip, right?" baling niya kay Philip nang hindi talaga kami nagkaintindihan sa tingin lang.

Philip's eyes widened. Bahagyang tumango at hinintay ang segundang tanong ni Mama.

"How are you related to my daughter?"

Napalingon agad ako sa nanay ko.

"Ma..." my voice low but commanding.

Pekeng ngiti lang ang natanggap ko mula sa kanya. Ibinaling agad kay Philip ang tingin para sa sagot nito.

Uminom ako sa tubig ko.

"Reel and I have been working together on some projects. Basically, we are... associates?"

Pineke ni Mama ang gulat.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon