Kabanata 5Handa
Natapos ko na ang isa.
Bumuga ako ng hangin pagkatapos kong pagmasdan ang unang canvas. Saglit pang nagpahinga bago ko iyon ipinirme sa isang tabi.
I have more to do. This is my passion. Pero dahil hindi ko na gaanong ginagawa, medjo bumagal ang mga kamay kong gumuhit at magpinta.
I washed off the messy strokes of color paint on my hand. Tinuyo ang mga kamay. At tinanggal sa pagkakatali ang buhok para hayaan itong kumurtina sa likod ko.
Madilim na sa buong Primavera. Maliliit ang mga ilaw na tanaw ko mula rito sa bahay na siyang pilit na tinatalo ang dilim.
The night is deep, I realized. Pero hindi na ako dinalaw pa ulit ng antok matapos kong magising. I painted scenes on a canvas and hoped to find myself tucked in my bed.
Inayos ko ang tali ng roba habang lumalabas ng bahay. Gusto ko sanang maglakad lakad malapit sa kabahayan pero parang natatakot ako sa dilim. Doon na lang sa tabing dagat dumiretso at naupo sa parehabang upuan.
I stared at the line where the sea is meeting the sky. Madilim pa rin pero sa kabila no'n ay naaaninag ko pa ang ilaw ng lungsod. The salty air is a bit cold on my skin. And the place is giving me the comfort of its silence. Nangangahas nga lang ang mga alon na basagin iyon.
Nilingon ko ang naramdamang kilos sa kaliwa. May gulat ng kaonti nang natanaw ko si Aliegher na nakatayo sa malapit sa dagat at malayo ang tanaw.
Why is he still up?
Hindi ako madaling maintriga. Hindi pa nga dapat mamamansin pero dahil kapwa naman kaming gising, baka pwede na ring lapitan.
Tumayo ako at inayos ulit ang tali ng roba. Aliegher must be really lost in his thoughts that he didn't notice me when I neared to him.
Sa kalagitnaan nga lang ng paglapit ko, at kung kailan ilang hakbang nalang ay nasa tabi na niya, saka niya ako napansin.
"Ba't gising ka pa?" tanong ko at tumigil sa tabi niya.
Sumasabog ang malamig na hangin sa mukha ko at makulit na ginugulo ang buhok ko.
I raked my hair as I waited for his answer.
"Hindi ako makatulog," Aliegher and his honesty.
Tumango ako. Ngumiti pa ng kaonti bago iniwan ang tingin niya para balingan ang karagatan.
"Ikaw? Bakit nandito ka sa labas?" si Aliegher matapos ang ilang sandaling pananahimik ko.
"Hindi rin ako makatulog."
Binawi ko ang tingin para harapin siya.
"You wanna talk?" tanong ko.
Aliegher doesn't know how to keep his move stealthy and swiftly. Nahuli ko pa kung paano naglandas ang tingin niya sa mukha ko!
"Talk about what?" lito siya sa sariling sagot.
"Anything you wanna converse about. I will set no limit for all discussion."
"Wala namang bumabagabag sa 'kin na gusto kong pag-usapan. I'm good, Reel. Makikinig ako sa 'yo kung may gusto kang sabihin o pag-usapan."
Do I have anything else to say?
"I don't know what to say. What if you ask? Then I'll answer," sabi ko at bumaling ulit sa dagat.
"Nasabi mo na ata lahat ng gusto kong malaman. Pero kung tungkol sa inaasikaso mo sa Primavera, kumusta naman?"
BINABASA MO ANG
Hold Me Into Fading
Romance(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whims. Masyado niyang kinukunsinti ang hiling ng abuelo na makausap ang babaeng 'yon na kahit pa ang sarili niyang buhay sa Cagayan ay iniwan ni...