Kabanata 7

68 2 0
                                    


Kabanata 7

Painting







Naiilang ako sa tingin ni Aliegher. Nabibitin na rin sa lalamunan ko ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Parang sina Agustina at Esconte lang no'ng kabataan ang kaharap ko ngayon."

Mas lalong uminit ang pisngi ko nang inulit pa 'yon ni Mang Adiong. I shyly glanced at Aliegher who is silently breathing beside me.

Dinaanan ng tingin ko ang pinto para siguraduhin na nakapasok na si Nanay at kung malaya na ba talaga kaming makapag usap dito.

"Pasensya ka na nga pala, ija, kung hindi kita nasalubong no'ng unang apak mo sa Primavera," si Mang Adiong bago tinungga ang baso ng local rhum na iniinom nila ni Aliegher.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Simula pa noon hanggang ngayon, pala inom pa rin pala si Mang Adiong.

"Ayos lang po. Maayos naman po ang bahay nang nadatnan ko. Kinailangan ko lang pong i-arrange ang mga gamit ng kaonti."

Tumango siya at nagsalin ng alak sa baso.

"Hindi ko rin kasi inaasahan ang biglang pabor ni Esconte sa akin. Ilang taon ding natengga ang bahay na 'yan. Akala ko kinalimutan na niya," abot niya ng baso kay Aliegher.

This man beside me is getting red from all the shots he drank. Mukhang sanay naman si Aliegher sa ganito pero dahil si Mang Adiong ang katapat, mukhang hindi uubra ang panlaban ko.

I watched him drink until it dried up. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya binalingan na ako.

"Hmm?" he hummed and licked off the liquid on his lips.

My lips parted a little. May gusto akong sabihin pero hindi ko mahanap ang tamang salita para ro'n. I graze my teeth with the tip of my tongue, and shook my head later on.

"Nagulat nga rin po ako nang tumawag si Lolo at sinabing may pinahanda siyang bahay na matutuluyan ko. Hindi ko naman po alam na... iyan pala ang dapat na bahay nila ni Agustina Solera," baling ko kay Mang Adiong.

Natawa pa siya sa sinabi ko. Tinanggap ang basong iniabot ni Aliegher at muling nagsalin.

"Mabuti na lang at hindi ko ipinagbili ang ari-arian."

"Nga po pala, si Lolo po ba ang nagpatayo ng bahay?" isinatinig ko na ang kuryusidad.

Ininom muna ni Mang Adiong ang shot niya bago ako sinagot.

"Hindi. Binili niya lang. Ang orihinal na may-ari ng bahay ay ang mga Salvadores. Umalis sila ng Primavera at pinagbili ang bahay. E, gustong gusto ni Agustina ang lokasyon, kaya nang ibinenta, sinunggaban agad ni Esconte kahit may kamahalaan."

"Po?" hindi ako makapaniwala!

"Oo, ija," nag-abot ulit siya ng shot kay Aliegher.

"Hindi ako makakalimot dahil ako ang naging boy ni Esconte no'n. Ako ang nag-asikaso ng lahat dahil hindi niya maiwan iwan si Agustina para lakarin ang lahat ng kailangan sa pagbili ng bahay. Alam ko lahat, kung susumahin."

I nodded. Hindi agad ako nakasagot dahil kailangan ko pang balingan si Aliegher.

Nagkatinginan agad kami. I tapped his arm gently to catch his attention.

"Slow down. Mukhang lasing ka na," I reminded him.

Tinanguan niya ako. Akala ko iinumin na ang shot pero mukhang sinasadyang bagalan ang ikot ng baso. He settled the shot glass on the wooden table as he let his finger glide on its rim.

Na kay Mang Adiong ulit ang atensyon ko.

"Paano po ba sila nagkakilala ni Agustina Solera?"

Itinawa ni Mang Adiong ang kahibangang naramdaman nang inalala niya ang nakaraan.

Hold Me Into FadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon