Kabanata 12Problem
"Tanga!"
Napapitlag ako sa marahas na hampas ng ina sa mesa rito sa sala. Binubundol ako ng kaba dahil sa ipinapamalas niyang galit ngayon.
"Sinabi ko na sa 'yo na huwag mong pinapatagal ang lahat! Sa bawat oras na pinapalagpas mo, ang dami nang nawawala sa atin!"
Hindi ako makaimik. Itinikom ko ang bibig at pinisil ang dulo ng hintuturo ko para pakalmahin ang sarili kahit paano.
"Hindi kita tinutulan pero natatandaan kong pinaalala ko sa 'yo na sana ay huwag nang dagdagan ang problema ko!"
"Ma, gagawan ko ng paraan-"
Muli niyang hinampas ang mesa. Nananakot na ang galit sa akin.
"Naipagbili ko na! Inaasikaso na ang titulo para sa mga Abenes!" sigaw ulit ng galit niya sa akin.
Tinalikuran ako ni Mama. Para bang ayaw niya munang makita ang pagmumukha ko dahil mas lalo siyang manggigigil sa galit. Mas lalo siyang nauudyok na bugahan ako ng sama ng loob.
"Ipinagkatiwala ko sa 'yo ang bukid! Hindi ako umuwi rito dahil akala ko okay lang ang lahat! Utang na loob, Agustina! Nasa Cagayan ako para asikasuhin ang mas importanteng bagay dahil iniasa ko sa 'yo ang lahat ng nandito sa Primavera! Pero lumuwas ka rin pala ng Cagayan para makipagkita sa lalaking 'yon!"
"Wala pong kasalanan si Esconte-"
"Wala nga dahil nasa iyo ang lahat ng sisi! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Porbida! Kung hindi ka ba naman nagpabaya!"
"Hindi ko po sinasadya..." mangiyak ngiyak kong depensa.
"Hindi mo sinasadya ngayong nangyari na! Hindi ko naman alam na hindi ka pala maaasahan sa ganitong bagay! Mierda! Napakalandi mo!"
Paisa isang tumakas ang mga luha ko. Hinuli ko agad at tinuyo para hindi mahuli ng tingin ni Mama. Kapag nagkataon ay mas pag-iinitan niya ako.
Talagang hindi ko sinasadya ang nangyari. Dalawang araw lang naman ako sa Cagayan. Dalawang araw lang ang kinailangan ko para kahit paano ay makasama si Esconte.
Lumuwas siya noong nakaraan. Hindi tumugma ang schedule naming dalawa. Nag-aaral siya samantalang abala ako sa buong linggo sa pag-aasikaso ng bukid. Maliban do'n ay inaalala ko pa ang benta ng mga pamaypay.
Hindi na ako minsan nakakatulog. Gumagawa lang ako ng mga pamaypay buong magdamag dahil sa umaga hanggang hapon ay nasa bukid ako at nag-aalaga ng mga hayop. O kaya naman ay nag-aani.
Ginagawa ko 'yon lahat na mag-isa. Hindi ako nagreklamo. Sumaglit lang ako ng Cagayan para magpahinga sa piling ni Esconte. Pagkatapos naman no'n ay bumalik agad ako para muling asikasuhin ang lahat ng naiwan ko.
Hindi ko naman inaasahan na...
"Porbida, Agustina! Katangahan!" muli akong inatake ng galit ni Mama.
"Susubukan kong pakiusapan si Saliste Abenes na-" muli akong pinutol ni Mama.
Puno ng galit ang tinging naibaling niya sa akin.
"Hindi na mapapakiusapan si Saliste na ipagbili ulit sa atin ang bahagi ng bukid! At kung sakali mang ipagbili, titriplehin na ang presyo ng lupa!"
Marahas siyang bumuga ng hangin.
"Kung hindi ka lang nagpabaya at inasikaso ang benta ng mga pamaypay, hindi ako maiipit sa sitwasyon at mapipilitang ibenta ang bahaging iyon ng bukid!"
Napapikit ako. Pilit kong tinanggap ang lahat ng sigaw ni Mama. Naiipon iyon sa dibdib ko at minsay ay nagdudulot ng paninikip ng dibdib.
Hindi ko 'yon naisip. Akala ko maganda ang pagtangkilik ng mga Abenes sa negosyo naming pamaypay. Iyong mga abaniko, akala ko gusto talaga nila. Hindi naman pala.
BINABASA MO ANG
Hold Me Into Fading
Romance(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whims. Masyado niyang kinukunsinti ang hiling ng abuelo na makausap ang babaeng 'yon na kahit pa ang sarili niyang buhay sa Cagayan ay iniwan ni...