First Encounter

397 3 0
                                    

Nagmamadaling ipinarada ni Shin ang kotse niya sa parking lot ng unibersidad na pinapasukan niya.Male-late na siya sa kanyang unang klase.May long quiz siya nang umagang iyon.Hindi tumunog ang alarm clock niya sa tamang oras, idagdag pa ang teribleng traffic na nakapagpainit ng ulo niya.
She was taking up Electronics & Communications Engineering at UP Diliman.Sa naturang unibersidad din nagtapos ang kanyang ama, kaya iminungkahi nito sa kanya na doon na rin siya mag-aral.Kahit hindi nito gusto ang kursong kunuha niya ay wala naman siyang narinig na pagtutol mula rito, bagkus ay sinuportahan pa siya nito.Pagdating naman daw siguro ng araw na gusto niyang pamahalaan ang negosyo nila ay madali nalang daw niyang matututuhan iyon.
"Oh, shit!!"Shin muttered to herself.Kailangan ko nang magmadali.Sayang naman ang nireview ko kagabi kung hindi ako bibigyan ng professor ko ng quiz, pabulong ni Shin.
Nakatingin siya sa kanyang wristwatch nang maramdaman niyang bumangga siya sa animo solidong bagay.At dahil sa lakas ng impact niyon ay sumadsad siya sa basang kalsada.

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon