Chapter52

132 3 0
                                    

flashback.....

ung ano man ang nalalabing pagmamahal pagmamahal niya para kay Ian, alam niyang pagdating ng panahon ay magagawa rin niyang supilin iyon. Unti-unti niyang kikitilin iyon at tuluyang ibabaon sa limot. Parang binibiyak ang kanyang puso dahil sa matinding sakit na nararamdaman niyang nagmumula roon. Parang may nakatarak na punyal sa pinakasento ng kanyang puso dahil ayaw maalis ng sakit na nagpapahirap sa kanya nang husto nang mga sandaling iyon. Pagkatapos ng pangyayari kani-kanina lang ay parang lumulutang parin ang kanyang pakiramdam dahil hindi pa gaanonh nag-sink in sa kanyang sistema ang mga pangyayaring kasimbilis ng kidlat na dumaan at natapos.
Sa paghaharap nilang dalawa ni Ian, pagkatapos nitong mawala nang tatlong buwan ay natuklasan niyang mahal parin niya ito kahit na wala itong pagmamahal sa kanya.
Pagkaalis ng mag-ina ay tinanong niya ang kanyang mga magulang kung bakit ganoon na lang ang galit ng ina ni Ian sa ama niya at naisipan nitong maghiganti.
Pagkatapos magkwento ang kanyang mga magulang tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan ay napagtanto niyang wala namang dahilan upang gawin ng ina nito ang paghihiganti dahil walang kasalanan ang kanyang ama aa nangyari sa pinsan nito. Ngunit sadyang sarado ang isip ng ginang dahil binulag ito ng galit at ng malaking layunin na makaganto. Ang paghihiganti nito ang sumira sa magandang pag-iibigan nila ni Ian.
Shit!! Ang tanga-tanga ko!! At isa pang malaking katangahan ang nararamdaman ko ngayon!! Tinampal-tampal niya ang kanyang noo. Basa na rin sa luha ang mga mata niya. Bakit kailangang maramdaman ko pa rin ang pagmamahal para sa kanya?? Hindi maampat sa pagbalong ang mga luha niya.. Damn!! Damn him!!
Ano na ngayon ang mangyayari sa kanya?? Kahit na sinabi niya sa ina ni Ian na kung buntis man nga siya ay wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ngunit sa totoo lang ay kinakain ng pangamba at takot ang kanyang kalooban para sa mga pangungutyang ipupukol ng mga tao sa kanya sa sinapit niya.
Pero kahit na galit na galit siya kay Ian ay wala siyang balak na ipalaglag ang kanyang dinadala. Hindi niya sosolusyunan ang kanyang problema ng isa pang problema. Malaki ang takot niya sa Diyos para magawa niyangbipalaglag ang kanyang anak, lahit na nga ba nabuo ang mga ito sa sirkumsrltansiyang balot ng galit at paghihiganti..

Sa paglipas ng mga araw ay hindi mapaglabanan ni Shin ang depression niya. Kahit na anonh pagpipigil niyang sumigid ang sakit sa kanyang puso ay hindi siya nagtagumpay. Patuloy parin iyon sa pagsakmal sa buong pagkatao niya.Walang sandali na hindi siya umiiyak. Nag-aalala na sa kanya ang mga magulang at kaibigan niya.
Mommy!! Daddy!!*Nahihintakutan niyang sigaw nang makita niya ang pagdaloy sa pagitan ng kanyang mga hita. Mabagal ang bawat paghakbang niya palabas ng banyo. Nang makarating siya sa gitna ng kwarto ay napaupo siya sa sahig.
Mommy!! Daddy!!!
Humahangos na pumasok sa kanyang kwarto ang mga ito. Bago siya nawalan ng malay ay naramdaman niyang pinangko siya ng kanyang ama..

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon