Chapter32

120 3 2
                                    

Alam mo bang gustong-gusto ka nang makilala ni Mommy?? Tamang-tama at kararating lang niya galing ng Malaysia mula sa isang business conference. Gusto sana kitang imbitahang pumunta sa rest house namin sa Batangas this weekend. *(haha, ng maiba naman)*nananantiyang imbita ni Ian. Please, come with me, Shin.
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Kung ang relasyon nila ay isang pagkukunwari lang sa parte nito, bakit kailangan pa siya nitong ipakilala sa ina nito? Hindi kaya isa iyong indikasyon na natutuhan na rin siyang mahalin nito?? Hindi niya mapigilang umasa sa naisip niyang iyon
Kung ayaw mong sumama, okay lang. Tatawagan ko na lang si Mommy na hindi ka makakasama dahil----.
Okay, I will come with you.*putol niya sa nais pang sabihin nito
You will not regret going with me. You'll surely like my mom.*tuwang tuwang wika ni Ian. Pagkahatid ko sa'yo mamaya ay ipagpapaalam kita kina Daddy at Mommy.
At kailan mo pa naging Mommy at Daddy ang mga magulang ko, hah, mister??*sita ni Shin rito
Napakamot si Ian sa ulo.. Ee, di para patas na tayong dalawa. You can call my mother "Mommy".
Heh!!! Puro ka talaga biro.*natatawang sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang tiwala sa'yo ni Daddy at mabilis niya akong pinayagan na sumama sa'yo.*ani Shin kay Ian. Nang mga sandaling iyon ay nasa SLEX na sila.
Biyernes pa lang noon. Wala silang pasok noon kaya mas maaga silang bumiyahe papunta sa bahay-bakasyunan nila sa Anilao, Batangas.
Kasi alam niyang good boy ako at alam niyang hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin.*proud na sabi nito.
Ang sabihin mo, sipsip ka kasi.
Hindi naging kainip-inip para aa kanya ang ilang oras na biyahe. Binusog niya ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin na kanilang nadadaanan.Kinakabahan at nag-aalala siya sa paghaharap nila ng ina ni Ian. Hindi niya alam kung magugustuhan siya nito para sa unijo hijo nito.
Huwag kang mag-alala, mabait naman ang Mommy ko. And I'm pretty sure that she will like you as much as I like you.
Nginitian lang niya ito.
Ilang saglit pa ay papasok na ang sinasakyan nila sa isang pribadong daan na natatamnan ng malalago at naglalakihang mga puno sa magkabilang gilid ng daan. Ipina-off na niya rito ang aircon at binuksan niya ang bintana.
Ubod ng presko ang simoy ng hangin doon. Halos nalalasahan na niya ang alat ng tubig sa dagat.Pagdating sa sangang-daan ay lumiko sila sa kaliwa.
Saan papunta yong isang daan??*hindi niya mapigilang itanong dito.
That leads to our farm.*tugon ni Ian. And we're going there tomorrow. I'm sure that you will like there.
Pagdating nila sa pinakadulo ay nakita niya ang dagat. Hindi man kasimpino at kasimputi ng buhangin ng baybayin ng Isla Sanchay ang buhangin sa baybayin niyon ay napakaganda at napakalinis naman niyon. The place was breathtaking in it's own right.
Puti ang kulay ng bahay-bakasyunan nina Ian kaya maaliwalas iyong tingnan. Paghinto ng sasakyan nila ay nakita niya ang paglabas ng isang babae na nasa late 50's ang edad...
Mom, this is Rachelle Ann Go, my girlfriend.
G-Go???K-kaanu-ano mo si Oscar Go???


------------------------------------
wooooooooo!!!! malapit na malapit na...hahaaha

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon