Chapter64

123 3 0
                                    

Tinanghali ng gising si Shin. Linggo nang araw na iyon at wala siyang pasok. Sa hapon sila magsisimba ng kanyang mga anak bago sila tumuloy sa kanilang karate lessons. Sunday was a family day for the three of them.
Pagbaba niya ng hagdan ay naabutan niya ang kambal na naglalaro sa lanai. Nilapitan niya ang mga ito. Masyadong engrossed ang mga ito sa paglalaro at hindi napansin ng mga ito ang paglapit niya. Napansin niya na parang bago yata ang laruan ng dalawa. Ang hawak ni Calden ay ang bagong Zoids na inuungot nito sa kanya na bilhin pero hindi ito pinagbigyan Balak kasi niyang iregalo iyon dito sa nalalapit na kaarawan nito at ni Whilhemine. Si Whilhemine naman ay abala sa bago nitong Barbie doll.
Bigla siyang napaisip kung sino ang nagbigay ng mga iyon sa kanyang mga anak. Wala naman siyang matandaang binigyan ng mga ito ng mga laruan ng mga kaibigan niya. Wala rin namang nabanggit ang mga kaibigan niya na nagbigay ang mga ito ng laruan sa mga anak niya. Tiyak din niyang iyon galing sa lolo't lola ng mga ito dahil sa susunod na buwan pa dadalaw ang mga ito sa kanila. Alam niyang matipid ang kanyang mga anak at nag-iipon ang mga ito sa baong ibinibigay niya, pero hindi naman niya pinapalaki ang mga ito sa luho at binibigyan lang niya nang tama kaya imposibleng nakaya ng mga ito na bilhin ang mga laruang pinaglalaruan ng mga ito. Tsaka kung bibilhin man ng mga ito ang mga laruang iyon ay tiyak naman na sasabihin ng mga ito sa kanya.
Ang gaganda ng mga bagong toys nyo ah!!*puna niya sa mga ito. Napabaling sa kanya ang paningin ng dalawa.
Bigay po ito sa amin ni Daddy Ian.*masayang sabi ni Calden nang itaas pa nito ang hawak na laruan. Yon pong friend ninyo na nakabunggo sa inyo sa may parking lot sa mall. Hindi po ninyo sinabi sa amin na kaibigan nyo pala siya, Mommy.
Parang gusto niyang atakihin sa puso sa narinig niya mula kay Calden
Naningkit ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Ang mas nakapagpaningkit sa kanyang mga mata ay ang ginawang pagtawag nito ng "Daddy" kay Ian.
Tinawag namin siyang "Daddy Ian" para may Daddy na kaming tatawagin ni Calden. Okay lang naman daw sa kanya. Ang bait-bait nga niya sa aming dalawa ni Calden, Mommy. Ibinili pa niya kami ng bagong toys.
Kung magkakaroon nga lang sana kami ng bagong Daddy, gusto namin yong katulad niya.*pagsegunda naman ni Calden
Oo nga!! And Mommy, Daddy Ian's eyes are the same as mine & Calden!!
Ayaw nga sana naming tanggapin ni Ate ang mga ito, Mommy. Kaya lang Daddy Ian is so nice & told us that it's actually okay if we accept the toys he gave u even if we just met him.*nagniningning ang mga mata ni Calden sa katuwaan.
Ni hindi siya makasingit sa mga ito. Mababakas ang katuwaan at excitement sa anyo ng mga ito. Alam niyang sa edad ni Calden ay naghahanap ito ng pagkalinga ng isang ama Isang amang magtuturo dito ng mga bagay bagay na tanging ang isang lalaki lang ang makakaintindi at makakapagturo dito. Sa parte naman ni Whilhemine, alam niyang sabik din ito sa isang ama, kaya siguro madaling nahuli ni Ian ang loob mg mga anak nila.

------------*********----------------

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon