Chapter65

130 2 0
                                    

Besides, although the two of them did not know who really was Ian to them, must have feel the blood bond that tie the three of them. Alam kasi niyang mapili ang kanyang mga anak sa taong pagkakatiwalaan at hindi basta-basta nakikipag-usap ang mga ito sa ibang tao. Kahit noong maliit pa lang ang mga ito ay may pagka-snub na ang mga ito, lalung-lalo na sa mga hindi kakilala ng mga ito.
Damn him!!!*nagpupuyos sa galit na sabi niya sa kanyang isip. Kailan naman niya ibinigay sa inyo ang mga yan??*malumanay niyang tanong sa kanyang mga anak.
Last Wednesday po.*tugon ni Whilhemine.
And lasr Friday, he treated us to pizza!!*ani Calden
Bakit hindi niya nalaman ang mga iyon??Biglang sinaklot ng matinding pangamba ang kanyang puso dahil sa takbo ng mga pangyayari. Ian was up to something!! He was trying to get the kids affection!! And by the looks of it, he was already succeeding without trying so hard!!
Iniwan niya ang kanyang mga anak at sinabihan ang isang katulong na hanapin sina Yaya Lolie at Mang Ambo-ang mga naghahatid at sumusundo sa kanyang mga anak---at pasunurin ang mga ito sa study room.
Bakit hindi ninyo sinabi sa akin na nakikipagkita pala sa mga anak ko ang lalaking yon???*galit na galit na tanong niya kina Yaya Lollie at Mang Ambo na parehong hindi makatingin nang diretso sa kanya.
Kilalaa siya ng mga kawaksi niya na mabait, may konsiderasyon sa mga ito, at makatarungan sa lahat ng bagay. Kaya naman ingat na ingat ang mga ito na huwag gumawa ng kung anumang pagkakamali at buong katapatang naglilingkod ang mga ito sa kanilang pamilya.

E-eeh, kasi po Ma'am, ang sabi ni Sir Ian, ipinagpaalam na po niya sa inyo ang pakikipagkita niya sa dalawang bata----
Pero dapat ipinagpaalam parin ninyo sa akin!!.
K-kasi naman po, Ma'am, nakita namin na masyado kayong besi, ee.Lumabas tuloy ang itinatagong Visayan accent ni Yaya Yollie dahil marahil sa sobrang takot sa kanya.
Alam naman ninyong napakadelikadong basta-basta na lang na magtiwala sa panahon ngayon. Paano kung masamang tao pala iyon---
Hindi naman po siguro, Ma'am. Pumayag nga kami ni Mang Ambi dahil mukha namang mabait si Sir Ian. Napakaguwapo rin po niya para maging isang kidnapper.*pagtatanggol ni Yaya Yollie kay Ian. Mababakas ang kilig sa tinig nito habang nagsasalita.
Pinukol niya ito nang matalim na tingin at muli itong napayuko.
Ayoko nang mangyari ang bagay na ito sa susunod. Tumango naman ang mga ito. Lahat ng bagay tungkol sa alam nyong kabutihan ng kalagayan ng mga anak ko ay dapat ninyong isangguni sa akin..

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon