Chapter86

197 3 2
                                    

Ee, napakawalanghiya naman pala ng lalaking yon, ee!! umuusok ang bumbunang sabi ni Yeng.. Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki!!
Nakipagkita si Shin sa mga kaibigan niya upang kahit paano ay mabawasan ang bigat ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay sasabog na iyon kaya kailangan niya ng mapaghihingahan bg kanyang dinaramdam.. Baka kasi matuluyan na siyang mabaliw sa kakaisip.
Nasasaktan kaba ngayon dahil mahal mo pa rin siya sa kabila ng ginawa niya??*nananantiyang usisa ni Sarah.
Yes..At sa kabila ng mga sakit na idinulot niya, hindi ko maalis sa dibdib ko ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. I still love him despite how despicable and hateful he is.. Parang gusto ko na ngang dukutin ang puso ko para hindi ko na maramdaman pa ang pagmamahal ko para sa kanya na lalo lang nagpapalala sa sakit na nararamdaman ko rito sa puso ko..Humagulhol siya
Yumakap naman sa kanya ang tatlo upang aluin siya. Sa mapagkanlong na bisig ng kanyang mga kaibigan niya natagpuan ang kapayapaan. Kahit paano ay nabawasan ang sakit na iniinda niya.



Nagtaka si Shin kung nasaan na ang kanyang mga anak. Nang tanungin niya si Yaya Yollie kung nasaan ang kambal ay hindi raw nito nakita.. Akala raw kasi nito ay naglalaro lang ang mga ito sa kwarto ng mga ito..Nilibot na rin niya ang buong bahay at ang subdivision upang hanapin ang mga ito ngunit hindi talaga niya makita.
Kinabahan siya at nag-alala.. Calden, Whilhemine, nasaan na kayo???
Patung-patong na nga ang problema niya ay dinagdagan pa ng pagkawala ng kambal.
Hindi naman niya mai-report iyon sa pulis dahil alam niyang dapat ay palipasin muna ang 24oras bago madeklarang nawawala ang isang tao. Halos maloka na siya sa sobrang pag-aalala. Ngayon ay naiintindihan na niya ang nararamdaman ni Sisa habang hinahanap nito sina Crispin at Basilio, at pakiramdam niya ay magagaya rin siya ng kapalaran kay Sisa kapag may nangyaring masama sa kanyang mga anak..
Sa kanyang pagmumuni-muni kung saan maaaring nagpunta ang dalawang bata ay bigla ang pagkislap ng mga salita ni Carla sa kanyang utak.
Kung hindi ka pa rin miserable ngayon ay dapat kang mag-alala dahil kilala ko si Christian. He has this tendency to take all the source of your happiness, no mater what the cost, no matter what it takes
No...*nangingipuspos na wika niya. Hindi mo ito maaaring gawin sa akin, Christian!!! Hindi!!*nanlalambot na sabi niya nang tuluyan niyang maunawaan ang iniwang salita ni Carla.

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon