Chapter22

111 1 0
                                    

What happened, Shin??halos magkakasabay na tanong ng tatlo sa kanya.
I fainted.
What??halos sabay-sabay uling tanong ng mga ito. Pakiramdam tuloy niya ay lalong lumala ang pananakit ng kanyang ulo.
Ikinuwento niya sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit siya hinimatay.
Nagpapakamatay ka bang babae ka?nanenermong sabi ni Yeng
Hindi mo dapat sinasagad ang kakayahan ng katawan mo.pagsegunda ni Sarah.
Hindi siya nakaimik.
At bakit si Ian ang kasama mo rito, hah? may pagdududa sa tinig ni Sheryn. Hmm, I smell something fishy foing on here. Malisyosa ang tinging ipinukol nito sa kanya.
There's nothong going on between us, if that's what you're insinuating, Miss-know-it-all. Nagmagandang loob lang yong tao na ihatid ako rito no'ng himatayin ako.
Nakakainggit ka naman, Shin.You're so darn lucky!! napapalatak pang sabi ni Sheryn. Ibig lang sabihin n'on, may gusto sa 'yo si Ian. patili pang pahayag nito na para bang sigurado ito sa sinabi nito.
Tumigil ka na nga riyan, Sheryn!! May dinaramdam na nga si Shin, kung anu-ano pa ang iniisip mo riyan. saway ni Sarah dito
You're so like a nagging Nanay, Sarah. Bumaling uli si Sheryn sa kanya. At dahil alam ko na ngayon na sa'yo may gusto si Ian, I am going to give up na may infatuation to him. Dahil I know that he will not make pansin to me because you have all of his attention.
Naku, tumigil kana nga riyan, Sheryn. awat din dito ni Yeng.

Binigyan sina Shin at Ian ng make-up exams ng mga professors nia. Napansin ni Shin na medyo mahirap abg ibinigay na exams sa kanila. Naisip niyang ginawa ng mga ito ang exam na iyon upang umakma sa dalawang pinakamagaling na estudyante sa klase ng mga ito Hindi na siya nagreklamo pa. Naipagpasalamat na lang niya at binigyan pa sila ng mga ito ng pagkakataon para makapag-exam.
Ibinuhos niya ang buong konsentrasyon sa pagsagot sa mga tanong.Nang matapos ang exam ay sinuri niya ang kanyang mga sagot..Nais lang niyang tiyakin kung wala na siyang nakaligtaan pa at kung tama na lahat ang sagot niya para sa bawat tanong.
Paglingon nya sa gawi ni Ian ay subsob parin ito sa pagsasagot.Sandali muna syang tumigil sa ginagawa at tinitigan ito.Aminado syang napakaguwapo nito. Ang cute nitong tingnan na nakakunot ang noo nito habang sinasagutan ang mga tanong na nasa questionnaire. She disliked men with long hair, but Ian's long hair suited him fine. Sa tingin niya ay nakadagdag pa iyon sa taglay na pang-akit nito.
Sa matamang pagmamasid niya rito ay bigla itong lumingon sa kanya.Huling-huli siya nito kahit mabilis niyang ibinaling sa papel ang kanyang pansin. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.


----------------------------------
Ooooooo hili ka Lola..hahahaha

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon