Chapter61

150 4 11
                                    

Napasigaw si Shin dahil sa takot nang may biglang humablot sa kanya sa parking lot sa basement ng building ng opisina niya. Awtomatikong umigkas ang kanyang braso upang sikuhin kung sino man ang pangahas na gusto siyang pagtangkaang gawan ng masama.
Ngunit handa ang sumalakay sa kanya dahil kaagad siya nitong isinadlak sa poste at inipit ang kanyang hita nang tangkain niya itong tuhurin.
L-let me go, you bastars!!!*angil niya.
Only if you behave.*anang pamilyar na tinig na iyon ni Ian.
What do you want?? At bakit kaba nananakoylt??! Habol niya ang hininga dahil sa kaba nang bitiwan siya nito.
I have to do this kind of crap to get to you. Dahil alam ko namang kapag nakipagkita ako sa'yo sa maayos na paraan para kausapin ka ay hindi mo naman ako papansinin. So I resorted to this.*tugon nito saka namulsa.
He looked boyishly cute in his rugged outfit.Kumabog na naman ang puso niya. Kinalma kaagad niya ang kanyang sarili. Baka isipin nitong masyado siyang apektado sa presensya nito. Hindi parin kasi humuhupa ang kaba niya.
Yeah, you stooped down so low by doing this, Mr. Bautista, so if you'll excuse me. Tinangka niyang lagpasan ito pero maagap na pinigilan siya nito sa braso.
As I've said earlier, we have to talk.*seryosonh sabi nito.
Ilang sandali siyang nakipagsukatan ng titig dito. Hinding-hindi siya magpapatinag dito. Her eyes reflecting defiance & stubbornness. His eyes glinting with so much calmness---it was almost menacing. His stance stiff, hers defensive. Siya na rin anh unang nagbawi ng paningin dahil hindi niya kayang tagalan ang pagkakatitig nito.
Siguro nga ay kailangan niya itong pagbigyan para matuldukan na nilang dalawa ang kung anumang dapat bigyang-linaw para hindi na siya nito guluhin pang muli.
Sige, makikipag-usap ako sa'yo.*pormal na sabi niya. So talk.
Okay. But first, let's go somewhere cozy & quiet.
Pwede namang dito nalang tayo mag-usap.*nakahalukipkip na sabi niya.
Kailangan natin ng isang tahimik na lugar kung saan tayo makakapag-usap nang maayos at magkaka-intindihan. And besides, I'm really starving waiting for you.*napapailing na wika nito. Whew!! You're so workaholic. I thought you would never come down.
Okay. Sasama na ako sa'yo para matapos na ang lahat ng ito.*aniya habang nakataas ang dalawang mga kamay, tanda ng pagsuko

Start talking.*ani Shin pagkatapos nilang maibigay sa waiter ang kanilang order.
Mabuti pang kumain na muna tayo bago tayo mag-usap.*anito
Hindi nalang siya kumibo. Itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa mga bulaklak na nasa plorere sa ibabaw ng mesa.
Kumusta kana, Shin??*kapagkuwan ay tanong nito.
I'm okay.*she said nonchalantly
Yeah. Looking at you now, I do agree. Malamang sinuyod nito nh tingin ang kanyang kabuuan. You're very beautiful now.

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon