Chaptet54

115 3 1
                                    

Namalayan nalang ni Shin na tumutulo na pala ang luha niya. Mabilis na pinahid niya iyon, saka umahon sa bathtub.
Habang tinutuyo niya ang kanyang katawan ay napatingin siya sa vanity mirror sa dingding. Dumiretso siya ng tayo at pinag-aralan ang kabuuang nilalandasan parin ng buti-butil na patak ng tubig.
Kahiy may anak na siya ay napanatili niya ang balingkinitang katawan sa pamamagiyan ng regular na pag-eehersisyo sa maliit na gym sa basement ng kanilang bahay. Idagdag pa ang minsan sa isang linggo na pagpunta nila ng kanyang mga anak sa karate classes nilang mag-anak. Ang dating maiksi at parang panlalaking gupit ng kanyang buhok ay lagpas-balikat na ngayon. Giving birth didn't mar her creamy complexion & her beauty.
Motherhood suited her very well. It also gave her a much alluring aura. Ang tangi labg kapansin-pansin sa kanya ay ang kalungkutang mababakas sa kanyang mapupungay na mga mata;hindi na nagbalik ang dating siglang dati ay palagiang mababakas doon.
She was 28 years old & wanted to settle down. Not that she needed someone to love her but it was for her children's sake. Kung siya ang tatanungin ay hindi niya kailangan ng lalaki. Sapat na ang mga anak niya upang punan ang kahungkagang namamahay sa kanyang pagkatao.
So she started dating. At kapag may isa siyang prospect na nagpapahayag na gusto siyang pakasalan ay ipinapakilala niya rito ang kanyang mga anak. Pagkatapos ay iniiwasan na siya ng mga ito. Alam niyang karamihan sa mga lalaki sa panahon ngayon ay ayaw ng instant family. Tulad ni Matthew at ng iba pang nakilala niya. Samantalang nang nanliligaw pa lang ang mga ito sa kanya ay masigasig ang mga ito.
Kapag ganoon na ang nangyari ay hindi niya ipagsisiksikan ang kanyang sarili sa isang lalaking ayaw sa kanyang mga anak. Kung hindi matatanggap ng isang lalaki ang kanyang mga anak ay hindi niya ito dapat na pakasalan. Dahil sa pagtanggi niyo sa kanyang mga anak ay parang tinanggihan na rin siya nito. Sa tingin niya ay mahihirapan na siyang makatagpo pa ng isang lalaking mamahalin siya nang lubusan at tatanggapin ang kanyang mga anak.

Pagkagaling ng mga anak ni Shin sa practice ng mga ito sa karate ay nagtungo sila sa mall para manood ng sine.Inilalaan talaga niya ang weekend upang makipag-bonding sa mga ito. Ayaw niyang mapabayaan niya ang mga ito nang dahil lang sa kanyang trabaho. Kahit mahirap balansehin ang kanyang oras sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak at pamamahala ng Go Group of Companies na lalo pang lumalago mula nang pamahalaan niya. Ang business venture ng GGC ay na-extend sa electronics industry. Siya ang nagplano ng bagong business venture na iyon at ng pinakamalaking electronics company sa Pilipinas-ang G-Tronix. Binabalak naman niya na magtayo ng telecommunications company ngunit nasa planning stage pa lang iyon.
Samantala, ang kanyang ama naman ang namamahala ng resort nila sa Sanchay Island. Malaki ang tiwala nito sa kanyang kakayahan.
Pagkatapos manood ng sine ay kumain sila sa isang restaurant. Pagkatapos nilang kumain ay naglibut-libot silang tatlo sa mall upang tumingin ng magugustuhan nilang bilhin. Binilhan niya ng bagong sapatos at damit si Calden samantalang ai Whilhemine ay nagpabili ng mga bagong libro.
Mahilig kasi itong magbasa.
Pauwi na sila nang umungot ang mga ito nh ice cream. Bitbit niya ang mga shopping bags sa isang kamay habang patungo silang tatlo sa kinapaparadahan ng kotse niya. Nahuhuli siya kaya hindi niya nakita ang kasalubong niya.
Naramdaman na lang niya ang malakas niyang pagbangga sa malamuog na katawang iyon. Napasadsad siya sa semento at nabitawan niya ang kanyang mga dala-dala. Humagis ang mga iyon sa di-kalayuan habang siya naman ay napasadsad sa semento.Impit siyang napasigaw na ikinalingon ng kanyang mga anak. Tumakbo ang kanyang mga anak patungo sa direksyon niya.
She heard Calden scolding the reckless stranger..

-----------------------------------
This is it!!!!!!!! XX

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon