Chapter51

119 3 2
                                    

Mommy, here's your slippers.*narinig niyang sabi ni Calden.
Dumilat siya at nakitang isinusuot nito sa mga paa niya ang tsinelas niya.
Do you want me to massage your head, too, Mommy??*tanong ni Whilhemine na nasa likuran na pala niya.
Hmmm, mukhang may ginawa na naman kayong kalokohan sa school, ahh.*nanghuhuling sabi niya sa mga ito habang ninanamnam ang kaginhawahang dulot ng mga mumunting daliri na nag-aalis ng pagod niya.
We're well-behaved in school!!*halos sabay na sabi ng dalawa sa tinig na puno ng kombiksiyon.
O baka naman gusto nyo lang magpabili ng bagong toys??*tanong uli niya
Hindi po. Gusto lang naming papirmahan ni Calden sa inyo ang report cards namin.
Pagkatapos siyang masahihin ng mga ito ay sandaling nagpaalam ang mga ito at mabilis na umakyat sa silid ng mga ito. Pagbalik ng mga ito ay kanya-kanyang iniabot ng mga ito sa kanya ang report cards ng mga ito..
Natuwa siya dahil matataas ang markang nakuha ng mga ito. Bata pa lang ay nakikita na niya ang angking talino ng mga ito. Pagkatapos niyang pirmahan ang report cards ng mga ito ay ibinalik niya iyon sa mga ito.
Looking at her two beautiful angels, she instantly beamed with joy. Kahit na pagod na pagod siya dahil sa maghapong pagtatrabaho ay dagling nawawala ang pagod niya kapag nakita na niya ang kanyang mga anak. Whilhemine & Calden were her precious treasures. They were her two little darlings. They compensated for all the heartaches, the bitterness, pains, & misseries that she went through in the past years.
Ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak, at ang walang sawang suport at pagmamahal ng kanyang mga magulang ang pinagkukunan niya ng lakas upang patuloy na lumaban at ipagpatuloy ang kanyang buhay.
Sa loob ng nakalipas na walong taon ay binuno niya ang hamon na inihanda ng buhay para sa kanya at sa kanyang mga anak. At sa loob ng walong taong nakalipas ay naging matagumpay siyang lampasan ang bawat paghamong iyon.
Sa mga panahong iyon ay pilit niyang kinalimutan ang masakit na bahagi ng kanyang nakaraan at pilit niya iyong ibinaon sa limot. Ngunit paano niya lubusang magagawa ang bagay na iyon gayong halos araw-araw na ipinapaalala ng kanyang mga anak ang masakit na bahaging iyon ng kanyang kahapon??
Habang lumalaki ang mga ito ay lalong nagiging kamukha ng mga ito si Christian.
Mommy, sa Monday, may meeting daw an mga parents sa school. Punta ka hah??*ani Whilhemine sa malambing na tinig na pumukaw sa kanya.
Anong oras ba ang meeting??
2:24 daw po ng hapon sabi po ni Teacher Lulu.*ani Calden
Okay I will go.*nakangiting sabi ni Shin sa mga anak habang ginugulo ang buhok ni Calden. Ang mabuti pa ay matulog na kayong dalawa dahil maaga pa ang pasok ninyo bukas. Tumayo siya upang samahan ang mga ito sa kwarto ng mga ito
When she entred her room, she decided to take a warm bath Pinatakan niya ng scented oil na may bango ng chamomile at lavender ang tubig n a makakatulong upang marelax siya. Habang ninanamnam niya ang ginhawang dulot ng maligamgam n tubig ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili sa paggunita sa nakaraan...

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon