Chapter59

141 2 0
                                    

Nakadagdag pa sa nararamdaman niya ang muling pag-aalab ng kanyang emosyon sa pagkakakita sa babaeng dapat niyang kamuhian ngunit kakaiba naman ang reaksyon ng kanyang katawan at puso. When she saw Shin, he suddenly felt sa alive--- how absurd it might sound.
Nasabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa paglalaban-laban ng ibat ibang prinsipyo at kagustuhan sa kanyang kalooban. Ahhhhh, naguguluhan na talaga siya!!! Dapat niyang lampasan ang mga balakid na nakaharang sa kanyang binabalak at pakalimiing mabuti ang mga bagay-bagay bago pa man siya makagawa ng hakbang. Kailangan muna niyang makapag-isip nang husto..

Halos mag-iisang oras nang nakahiga si Shin sa kama pero hindi parin siya dalawin ng antok. Sariwa pa rin sa isip niya ang paghaharap nila ni Ian.
Hindi niya makatkat sa isip niya ang kakisigan nito. Kahit anong pilit niyang itaboy iyon ay para namang nang-aasar na patuloy paring naglalaro iyon sa kanyang diwa.
Damn!!! I should stop thinking about him!!!
Hindi na niya dapat pang pag-aksayahan ito ng panahon. He was nothing. He was nonexistent anymore. Isa nalang itong bahagi ng nakaraan.

***********************************
itutuloyyyyyy!!! XX

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon