Chapter31

134 4 2
                                    

Pagkahatid ni Shin kay Ian ay naabutan niya ang kanyang mga magulang na nasa sala. Alam niyang dumating na ang oras nang interogasyon.
I approved your taste in a man, hija. Napaka-guwapo ni Ian at mabait pa.*sabi ng kanyang ina
Isa lang naman ang hinihingi ko sa'yo, anak. Ngayong may boyfriend kana, sana ay hindi mo pabayaan ang pag-aaral mo. I hope that Christian will inspire you to do your best.*nagpapaalalang sabi ng kanyang ama. And by the way, I like Christian for you. He seems to be a nice young man.
Nagulat siya sa sinabi ng kanyang mga magulang, lalo na kanyang ama. Mahirap kasing makuha ang loob nito kaya nagtaka siya kung bakit ganoon na lang kadali nito nagustuhan si Ian para sa kanya.
Hindi na siya nakaimik. Nagpaalam nalang siya sa mga ito na matutulog na.

Sa Paglipas ng mga araw ay nahihirapan na si Shin sa kanyang pagpapanggap. Tuwing magkasama sila ni Ian ay unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito. Nakikita niya ang magagandang katangian nito kaya unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob dito.
Hindi niya alam kung na-challenge lang ba talaga siya rito o talagang may gusto na siya rito noon pa man.
Sinubukan niyang rendahan ang kanyang damdamin ngunit hindi siya nagtagumpay. Kahit anong gawin niya ay nagkaroon na ito ng puwang sa puso niya.
Nabuwag nito ang depensang iniharang niya sa kanyang damdamin. Consequently, Shin dependent to him. And noe she was afraid & terrified because of her being in love with Ian, she was now exposed & vulnerable to pain & heartache.
Nagulat siya nang maramdaman niya na may bigla na lang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.
A kiss for your thought??*masuyong bulong ni Ian. Ginawaran siya nito ng matunog na halik sa kanyang pisngo. Bakit mukhang malalim yata ang iniisip mo? Or are you thinking about your handsome boyfriend, huh??
I love you, Ian. I love you, baby.*sinserong sabi niya rito. Dati, ang akala niya ay pulos pagkukunwari lang ang nakabalot sa salita ng pagmamahal na sinasambit niya rito tuwina, iyon pala ay taos sa puso niyang sinasambit iyon.
And I love you, too, Shin. I love you very much, my baby. You are the life that flows in me. **Bakit kahit alam niyang pagkukunwari lang ang mga katagang ipinapahayag nito ay naghahatid parin iyon ng tuwa sa kanyang puso??Nahiling niya na sana, katulad niya ay galing din sa puso nito ang mga katagang sinabi nito.
Ngunit hindi niya kayang dayain ang sarili niya dahil alam niyang parte pa rin iyon ng pagkukunwari nito kaya nito nagagawang sambitin angga katagang iyon. Magkagayunman ay handa siyang gawin ang kahit na ano upang magkaroon din ng katugunan ang nararamdaman niyang pagmamahal para dito.
Alam niyang napakaimposible ng hinihiling niya. Ang tanging magagawa nalang niya ay ang ipakita rito kung gaano niya ito kamahal at kung gaano ito kahalaga sa kanya. Maaaring sa pamamagitan niyon ay magkaroon siya ng pitak sa puso nito at matutuhan din siyang mahalin nito habang hindi pa nito naiisipang tapusin ang pagkukunwaring sinimulan nilang dalawa. Dahil kung siya ang tatanungin ay hindi na niya gusto pang matapos ang pagkukunwaring iyon.
Sinabi niya noon na hinding-hindi siya mahuhulog sa patibong ni Ian. Hindi siya naging maingat kaya hindi siya makahulagpos.***

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon