Chapter79

181 3 1
                                    

Lalong naging lantay ang kaligayahang nadarama ni Shin sa puso niya.
Mommy, magbihis ka raw sabi ni Daddy, kasi maliligo raw tayo sa beach.*ani Calden nang pumasok ito at si Whilhemine sa kuwarto niya.
Daddy said we are going to build a sand castle together, a very big sand castle.*excited na wika ni Whilhemine.. Hihintayin kana lang namin sa labas Mommy..
Wala na siyang nagawa sa pangungulit ng kanyang mga anak. Napilitan na rin siyang magbihis ng damit-panligo.
Pagdating niya sa aplaya ay naabutan niyang nagkakatuwaan na ang mga ito sa pagbuo ng sand castle.
Wow, Mommy, you are so sexy.*namimilog ang mga matang papuri ni Whilhemine.
You too, baby. You look sexy in your swimsuit.*papuri din niya sa anak.
Tumulong siya sa mga ito sa paghuhukay ng buhanging ilalagay sa itatayong kastilyo ng mga ito
Why don'y we take a dip already, kids, huh.?*mayamaya ay sabi ni Ian na sabay na sinang-ayunan ng dalawang bulilit
Napahugot siya ng hininga nang hubarin ni Ian ang suot nitong T-shirt.. His body seemed leaner, packed with more muscles than before..
Wow, Daddy you have a big muscles!!*malakas na sabi ni Whilhemine.. Diba Mommy??*baling ni Whilhemine sa kanya.
Y-yes
Parang hindi yata ako kumbinsido sa sagot ng Mommy nyo. Kailangan ko siguro ng kiss para maniwala ako.*sabi ni Ian
Kiss!! Kiss!! Kiss.*halos sabay-sabay na sabi ni Calden at Whilhemine habang pumapalakpak
Nahihiya siguro ang Mommy ninyo, kaya ako nalang ang unang magki-kiss sa kanya. Bago pa siya makapag-protesta ay nakabig na siya nito at mariing hinagkan ang mga labi. Pagkalipas ng ilang sandali ay pinakawalan na rin siya nito..
Don't wear that longing expression on your face, bhie, or I won't be able to control myself & kiss you thorougly in front of the kids.*ani Ian ng maghiwalay na ang mga labi nila..
Sinikmuraan niya ito bilang sagot sa sinabi nito na ikinatawa lang nito.
Ayy, si Daddy lang ba ang handsome dito??
Nakangiting binalingan niya si Calden.. Siyempre, ikaw din!! Pagkasabi niyon ay hinalikan niya ito sa pisngi..

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon