Chapter90

220 2 4
                                    

Wala na silang inaksaya pang sandali, pinuntahan nila kaagad ang condo unit ni Carla..Malakas ang kutob ni Ian na baka ito ang kumuha sa kambal. Nalaman ni Shin mula rito na may gusto si Carla dito ngunit wala itong pagtingin sa babae..Pagtinging-kaibigan lang ang nararamdaman nito para sa babae. Ikinuwento niya rito ang naging pag-uusap nila ni Carla nang pumunta ang babae sa bahay niya.
Totoong pinapunta ni Ian si Carla upang tingnan kung ano ang kalagayan ni Shin at mga anak nila dahil naiwan nito ang cellphone nito sa bahay niya. Hindi rin naman nito kabisado ang cellphone number niya . Hindi ito makauwi dahil may isang malaking anomalya at pagkakadispalko ng pera sa kompanyang pag-aari nito. Dahil sa tagal na nawala ito at na-tempt ang ilang matataas na opisyal ng kompanya na gumawa ng kalokohan..Ang sabi ni Carla dito ay ayos naman ang kalagayan ng kanyang mag-iina.
Inabutan nilang nakatali at may busal sa mga bibig ang kambal habang walang humpay sa pag-iyak ang mga ito. Mababakas sa mata ng mga ito ang matinding takot. Pinahirapan nang husto ni Carla ang dalawang paslit.. Kaagad na nasukol ng mga pulis na kasama nila si Carla.. Nang kalagan na sina Calden at Whilhemine ay nangangatog sa sobrang takot ang buong katawan ng mga ito. Kaagad na yumakap ang mga ito sa kanilang dalawa ni Ian habang walang-tigil sa pag-iyak.
Mommy, Daddy... patuloy na nguyngoy ng mga ito.
Christian!! Mahal na mahal kita!!Christian, sabihin mo sa mga pulis na pakawalan nila ako!!Christian!!!*sigaw ni Carla habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Christian, mas bagay tayong dalawa kaysa kayo ng babaeng yan!! Christian. Mahal na mahal kita!!
Lumapit si Shin sa gawi ni Carla at binigyan niya ito ng mag-asawang sampal. Para yan sa mga anak ko, walanghiya kang bruha ka!! *puno ng pagkasuklam na wika niya
Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Tinadyakan siya nito nang malakas sa tiyan, mabilis na hinablot ang baril ng isang pulis at mabilis na binihag si Whilhemine.

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon