Chapter53

111 2 1
                                    

Her emotional turmoil almost resulted to a miscarriage. Ang pangyayaring iyon ay muntik na ring maging mitsa ng kanyang buhay. Natakot siya para sa kapakanan ng kanyang mga anak kaya nilabanan niya ang patuloy na paglala ng kanyang depresyon. Kailangan niyang lumaban.
Kung mamamatay siya ay palatandaan lang iyon na nagtagumpay nga sina Ian at ang ina nito sa layunin ng mga ito. Hindi niya iyon papayagang mangyari.
Ipinagpasalamt niya na malakas ang kapit ng mga bata sa kanyang sinapupunan kaya hindi iyon tuluyang nalaglag, ayon na rin sa doktor na sumuri sa kanya.She wallowed so much on her misery & pain that she almost neglected her health & the growing life within her.
Nang mapagtanto niya na muntik nang mawala ang kanyang ipinagbubuntis ay hinamig niya ang kanyang sarili. Kung ang kanyang mga anak nga ay patuloy na lumalaban, bakit hindi rin niya magawang lumaban sa pagsubok??
Dahil nagkamali siya ay kailangan niyang harapin ang konsekwensya ng kanyang ginawang pagkakamali, ngunit isinusumpa niya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaang ilugmok siya ng kanyang pagkakadapa. Babangon siya at patuloy na lalaban sa sigwa ng buhay na nakaamba sa kanya. Dahil sa pangyayaring iyon ay unti-unti nang natatabunan ng galit ang pagmamahal niya kay Ian.
Only then she realized he was not worth her tears.

Parang isang malaking sunog na mabilis na kumalat sa alta sosyedad ang kalagayan ni Shin. Naging sentro siya ng usapan. Iminungkahi ng kanyang ama na sa Isla Sanchay nalang niya iraos ang kanyang pagbubuntis.
Sumang-ayon siya sa gusto nito, kaya lang ay hindi sa Isla Sanchay niya balak pumirmi. Gusto niyang magpakalayu-layo na muna upang makalimot at makatakas pansumandali sa mga alaalang dulot ng masakit na pangyayari. Isang paraan din iyon upang unti-unting masugbahan ang kumakalat na pangungutya sa kanyang mga mapanghusgang tao.
Inaamin niya isang karuwagan sa parte niya ang kanyang gagawin. Ngunit iyon na lang ang nalalabing solusyon na naisip niya upang kahit paano ay hindi na madagdagan pa ang pasaning dinadala niya. Nagtungo siya sa Canada kung saan naninirahan ang kanyang Lolo at Lola. Ayaw man niya ay kailangan niyang huminto sa pag-aaral.
Habang naglalakad siya sa puting-puti at pinong-pinong buhangin sa beach ay nakatanaw siya sa panginorin habang iniisip kung ano ang hatid ng bukas para sa kanya at sa kanyang mga anak.
Nagsilang siya ng dalawang maganda at malusog ng anghel. Naghatid ng ibayong tuwa ang pagdating nina Chantelle Whilhemine at Calden Anthony hindi lang sa kanya kundi sa kanyang mga magulang at lolo at lola. Pagkalipas ng tatlong buwan ay ipinasya niyang ituloy ang pag-aaral niya.
Pagkalipas ng limang taong pamamalagi sa Canada ay napagpasyahan niyang bumalik sa Pilipinas sa dalawang kadahilanan:Una, hindi niya gustong maimpluwesiyahan ang mga anak na ang kulturang kanluranin. Gusto parin niya ang kulturang Pilipino. Gusto parin niya na ang kulturang Pilipino ang kamulatan ng mga ito. Ikalawa, handa na siyang harapin ang naiwan niyang buhay aa Pilipinas. She needed to move on & she won't be able to do that unless she faced the ghost of the past. Kailangan niyang harapin ang panlalait ng ibang tao na nasa antas ng lipunang kinabibilangan niya.
Nagpasalamat siya sa Diyos na binigyan siya Nito ng mabait at maunawaing mga magulang at grandparents. Ang mga ito ang gumagabay sa kanya upang mapalaki niya nang maayos ang kambal.Sa tingin niya ay lalong bumabata ang kanyang ina at ama habang masayang inaalagaan ng mga ito ang kanyang mga anak..

Memories of Bali♥♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon