______________°°°°°°°°°°°_____________
Field trip
Ang bawat gusali ay nag liliyab , bawat sasakyan ay nagkukumpulan at puno ng pulang sunog sa taas naman ay nakapatong ang isang kaawang awang tao na nilalapa mga infected na tao.Ang 25 na kabataan ay naka tayo sa harapan ng kanilang paaralan pinapanood ang napaka distorbong seneryo.
Biglang tumalon papalayo si ash ng may tumakbo papalapit sakanilang infected.
Agad itong hinarang at sinasak sa matilos na walis tambo ni aleina.
Nanlaki at nanigas ang mga katawan nila habang pinapanood ang pang yayari.
"Aleina!" Said rhy in shock.
"Sa likod mo kristel!" Sigaw ni gabriel isa sa mga lalake sa section nila.
Agad naman umiwas si kristel at pinadyak ang infected na lalake.
"Umalis na tayo dito delikado masyado!" Saad ni morisan ang pangapangamba ay visible sakanyang tono.
"Quick! We need to find something! Like-like bus or mga pang self defense!" Singal ni angela.
"Ayon ung Play wood na yon!" Sigaw ni andrew.
Dali dali tumakbo papunta sa plywood sina andrew at john , kukunin na sana nila iyon ng bigla may natamaan si john na grupo ng infected kung saan pinag pye-peystahan nito ang isang tao , tumigil ang infected at tumingin sa nakasagip sakanya.
Nanlaki ang mga mata ni john at tinapik ang likod ni andrew, dahan dahang tumayo ang lalaking infected para bang bali ang leeg nito dahil paulit ulit na nag snap at tumutunog ang parang nababaling buto.
"Drew!" Pag babanta ni john, kaagad na lumingon si andrew at nakita ang anim na infected na naka tingin sakanila.
Nagulat ang dalawa ng ngumiti ang mga infected sakanila na tila ba alam nilang nasa peligro na ang buhay nila.
Agad na kinuha nina john at andrew ang mga parisukat na plywood at tumakbo sumunod at humabol ang mga infected.
" AHHHH!!! HOYY TULUNGAN NYO KAME BUSSEETT!!!!" sigaw ni andrew habang binubuhat ng naka taas ang kamay habang dala ang mga plywood.
Agad na rumesponde ang mga kasama nila at isa isa silang kumuka mg ply wood.
"Guys! Ung bus na iyon! Pupunta tayo doon walang madadapa , ang madapa mamatay!" Sambit ni kristel.
Nag tinginan silang lahat sa isa't isa habang hinaharang ang padami na infected.
"On count of 3 pwersahan niyong itulak ang mga infected!" Sigaw ni claude.
"One...two...three!!"
Sabay sabay nilang tinulak palayo ang mga infected at tumakbo papunta sa kulay dilaw na bus.
"Naka bukas! Yeass!!!" Ambad ni rhy.
Dali dali silang pumasok at isinara ng mahigpit ang bus, tumambad sakanila ang nag kukumpulan na infected sa bintana.
"Kailangan na nating umalis, may susi ba ang bus?" Tanong ni morisan.
Pumunta si lester sa driver seat at nakitang naka suksok ang susi sa key whole.
"Meron! Sino marunong mag drive?" Tanong ni lester.
Nag tinginan ang mag kaklase.
"Letche wag niyo sabihin walang marunong?" Ambad ni isabel.
"Uy sis ako let me try" sabi ni kristel
Agad naman pinigilan ng lahat si kristel at pinaupo.
"Alam mo sis ang maganda mong gawin umupo at wag mag salita, i close mo nalang ung mouth mo please baka kamatay ka namin" saad ni rhy na naka ngiti.
BINABASA MO ANG
€CLASS DEST§
Avventurakakayanin mo bang maka-survive sa isang peligro na hindi mo iniisahan matatamo mo bilang isang istudyante? ito ang kwento ng isang normal na klase kung saan nandito ang mga tipikal na kabataan. isang tanga, isang sabog, isang april boy, isang pasyon...