"Perhaps the most kind-hearted person you know is the wicked-hated to most."
FELFY
"Manong, itigil na natin 'to!" bigla kong sigaw sa jeep, talsikan ang mga maasim na pasahero. Kapit kasi!
Agad akong bumaba kahit 'di pa ako nagbabayad. Bakit ako magbabayad? Maganda ako! Sabi sa signage kapag maganda raw, libre na. I love pretty privilege!
Nasa tapat na ako ng isang Ukay-ukay Store ngayon. Mukhang bagong bukas 'to kasi hindi ko naman ito nakikita dati. Kaya nang mapansin ko ngayon ay napababa agad ako sa jeep. Excited na'ko mag-shopping, sana magaganda ang mga damit.
Sinalubong ako ng amoy lumang damit pagpasok. Init! Walang aircon, maalikabok pa ang ceiling fans! Walang surveilance cams? Maraming tao pero tanging drama sa radyo lang ang maririnig sa paligid. Infairness, nakakamiss makinig sa radyo!
Una kong tinira ang mga pants because ika nga, always prioritize the bottoms! There's this one pure white long-legged pants that captured my visonalibility! Wow, parang tanga naman ako sa pa spokening dollars ko? Kinuha ko iyon kasama ng iba pang bright colored pants na maganda. Magkano sila? Pardon me, I don't check the price because I know I can get things at any costs!
Sunod kong pinuntahan ang mga polo shirts! Shuta, may strawberry pink na for sure bagay sa'kin kaya kinuha ko na rin! Gumora rin ako sa mga shoes at bongga rin sila! kaya lang... parang nakakamatay naman ang mga amoy, mars! May mga crop tops and jackets din akong nagustuhan at bitbit ko ang lahat ng mga damit patungo sa fitting room. Napangiti ako nang mapansin na tago ito. Perfect for my perfect plan!
Lumingon muna ako sa paligid bago tuluyang pumasok sa isa sa mga stall. Agad kong inilagay sa aking backpack ang mga damit na nagustuhan ko. Pak! Maglalayas lang ang peg? Tama lang talaga na isang notebook ang dala ko today!
Pagkalabas ay may bitbit pa rin akong damit, isang top at isang bottom. Naglakad ako patungo sa counter. "Hi, just this!" maarte kong pagkasabi.
Tila walang narinig si ate mong antok at nasa radyo ang atensiyon. Nakakaloka!
"Hoy, 'te! I can buy you, your friends and this store!" EME! Effective naman ang aking Multimedia Superstar na atake dahil lumingon na siya sa'kin.
Kumunot ang noo niya nang tinignan ako. Shet, nakita niya kaya ang malagim na krimen na ginawa ko?
"Oh, isang dosenang damit dala mo sa fitting room kanina, ah? Nasaan na?"
Ngumiti ako. "Malamang binalik kona sa kung saan ko sila kinuha."
"Bakla ka! Sinong niloloko mo? Luma na 'yang palusot mo! Patingin ng bag!" oh, she's not buying my excuse!
"Excuse me? That's an invasion of privacy! How dare you accused me of something that a person who only looks like you would do? Sa ganda at yaman kong 'to? Magnanakaw ako? Please, stop wasting my time!" Eksena ko, sabay bitaw ng hawak na damit sa harap niya.
"Makaalis na nga. I didn't know the service here is poorer than where I went for my last charity work yesterday, nakakadismaya!" prak! and then walk out like a champion energy drink! Parang tanga rin si ate, she bought my excuses na, 'di ako hinabol palabas.
Huminto agad ang jeep na pinara ko. Kahit mukhang masikip at wala nang space ay sumakay pa rin ako kasi may nakita akong gwapo na nakasakay. Omg! Late na rin ako but whatever!
"Bayad ko po..." yes, this time nagbayad na'ko kasi wala nang 'maganda' siganage. Ang meron na lang ay "God knows, Judas not pay." Saveehhh?
"Hi, Sir! Sorry you're early today and I'm not." Agaw eksena kong sabi nang makarating ako sa classroom namin. Pinaupo na agad ako ni Sir at ipinagpatuloy ang discussion niya.
BINABASA MO ANG
Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)
FanfictionFelfy (Sunoo) is a ragged, pompous, and prolific ukay-ukay fashionista in his batch. People are mesmerized by his playful, insightful, and randomized personality. He's all that, the elusive chanteuse! What about France (Jay)? Oh, he's just a butler...