Dumiretso agad kami sa loob nang makarating sa Testing Center. Ang akala ko ay Ospital ang eksena pero hindi pala. Isa itong building na ang entrance ay napapaligiran ng maraming Guards in suits. Parang may itinatago sa loob. So private!
Ang dilim at ang lamig! Sinehan ata ito? Napahawak ako sa sleeve ng polo ni France nang makapasok. Kinakabahan ako! Iba itong kaba na nararamdaman ko. Huli ko itong naramdaman nung nagpatuli ako, EME!
"Are you okay?" bulong sa'kin ni France habang naglalakad kami. Napansin niya ata ang paghawak ko.
"Kabado lang," pagpapakatotoo ko na parang nasa bahay ako ni Kuya.
"You'll be fine," chika niya as he pats my head. Itong si bakla feeling close na, ah?
Sumakay kami ng elevator, bumukas ang pinto sa 13th floor. Nagulat ako dahil nagtinginan ang lahat sa pagdating namin. Kumunot ang noo ko sa nakita. Ang daming mga lalaki na sa tingin ko ay kaedaran ko rin? Mga nasa twelve sila. Lahat ay nakaupo sa mga couches na magkakaharap, 'yung parang living room ang eksena? May flat screen din kasi sa harap. Sa tabi o likod ng mga lalaki ay mga guards din na naka polong white kagaya kay France. What the F! Doon ko narealized lahat. Baka kagaya rin nila ako na hinahangad na makahon sa hirap?
Sinundan ko lang ang paglalakad ni France pinaupo niya ako sa gitnang couch habang siya ay nanatiling nakatayo sa likod ko. Lumipas ang ilang minuto at namatay ako sa katahimkan! Nakakaloka, hindi ko na kaya ito!
"Saan ang remote? Buksan natin TV," nagulat ako dahil lahat sila ay tumingin sa'kin.Ngumiti nalang ako.
Nawala din ang atensiyon sa'kin nang kusang bumukas ang flat screen. "Swarovski" basa ko sa screen bago ito mawala. In a logo form siya! Biglang tumayo ang lalaking unang nakaupo sa right couch at naglakad papasok sa elevator kasama ang isang guard! Te-test na kaya siya?
Tangina rin nito ni France. Ang daming time sa biyahe para sabihin ang mangyayari pero wala! My, God! I look so clueless right now.
Nag-appear ulit ang Swarovki logo sa screen at sunod na gumora paalis 'yung katabi nang naunang umalis. Yes, kasama na naman ang isang Guard.
I get the mechanics now. Tatlo nalang bago ako! Sa right couch kasi, apat ang nakaupo while sa middle couch, lima kaming nakaupo and sa left couch naman ay apat din.
Lumipas ang ilang minuto at tumayo na ang katabi ko. Mas lalo akong kinabahan! Ako na ang susunod. Ano ba ginagawa ron? Baka naman may Q and A, ah? Hindi ako prepared. Talent portion kaya meron? Nako, go ako d'yan. For sure akin na ang Ms. Photogenic award, ano?
Natigilan ako nang may kumalabit sa'kin. 'Yung katabi ko pala sa left, siya ang nasa middle. Nilingon ko siya at nginitian. Ms. Congeniality secured!
"I'm Won, good luck, next ka na!" chika niya at ngumiti na parang siya yung anghel sa lahat ng condensada. Aagawin pa yata sa'kin ang title! Also, pwede naman pala magsalita? Akala ko talaga nasa a quiet place shooting kami?
"Goodluck din sayo, mukhang mas kailangan mo," sorry, maldita??
Ngumiti nalang siya at umayos ng upo. Doon ko lang napansin ang face niya, he gives rich vibes? I can't explain it but, yeah. Mukhang siya ang biggest competition ko rito!
Nag-appear ulit bigla ang logo sa screen. Lumingon ako kay France. He mouthed 'let's go' at sabay kaming kaming pumasok sa elevator.
Sinamaan ko siya ng tingin nang sumara ang pinto. Galit pa rin ako kasi parang sumabak ako sa giyera nang walang bala!
"Sorry, I just thought it would be fun to not tell you everything just to see how would you react," he knows what he did!
"So sino nga? Sino ang mga 'yon? Anong nangyayari?"
BINABASA MO ANG
Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)
FanfictionFelfy (Sunoo) is a ragged, pompous, and prolific ukay-ukay fashionista in his batch. People are mesmerized by his playful, insightful, and randomized personality. He's all that, the elusive chanteuse! What about France (Jay)? Oh, he's just a butler...