Chapter 2: Rags to Riches?

148 3 0
                                    

I woke up to an agitating and monstrous sound of a hungry cock! But I won't let a minor inconvenience ruin my big day! This is my time to shine! 

I get up from my bed and get my phone to take a selfie. 'Gandang mas maganda pa sa lahat ng umagang mararanasan mo.' Pangmalakasan na naman ang caption. Agad ko itong pinost para naman mabiyayaan ang mga followers ko! Itinapon ko agad aking cellphone sa papag. Let's not start our day with too much radiation, there's more life outside of technology! SAVEHH??

Dumungaw ako sa maalikabok na bintana at linasap ang simoy ng hangin... Amoy sinangag na luto ng kapitbahay, ipot ng mga manok, at sabong panlaba! "Gising na ang maganda- Aray!" 

"Happy birthday, baks! Saing ka na, gago!"

Tangina, ang sakit! Napahawak ako sa aking ulo dahil biglang may tumama sa'kin. Kaldero pala! Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang nakakabangungot na pagmumukha ng kapatid ko! Humanda siya, matitikman niya ang ugali ng isang api! 

"Tangina ka, Niks! umagang-umaga, papansin ka!" sigaw ko sa kanya at pinulot ang kaldero. 

Agad siyang kumaripas ng takbo pero tanga siya kaya 'di niya nailagan ang ibinato kong kaldero. Sapul sa likod!

"Hoy, mga puta! Aga-aga, giyera na agad kayo? Kumilos na nga kayo nang makapag-almusal na!" biglang sigaw ni Inay nakakarating lang. "Bakit tambak pa rin ang mga hugasan? Tangina niyo naman, mga batugan! Hoy, Felf! Hindi porket birthday mo, hindi ka na kikilos, ano ka? Asta anak mayaman? Ulol. Bilisan mo, 'wag kang babakla-bakla! Pag ako nairita, walang kakain."

Ewan ko ba rito sa nanay ko, parang si Anger ang zodiac sign! Homophobic pa! Wala na'kong magawa kundi ang hugasan ang mga plato. Nakakawalang gana kaya maghugas lalo na kapag one year anniversarry na ng sponge! Gamit na gamit na'to, oh! Sukong-suko na! Pisat na pisat na! Tama na! Retiro na!  

Tumingin ako sa bubong na makalawang para pigilan ang kalungkutan sa lumalabas sa aking mga kumikinang na mata! Sayang ang not so waterproof eyeliner, shuta! I feel like I'm in a poverty porn film right now, so worthy of gawad urian!

Nang matapos maglinis, maghugas at makapag-saing, maliligo naman ako. "The bluetooth is connectidow successfuley." anes ni mareng speaker nang ma-connect ito sa phone ko. Syempre dapat may soundtrip habang naliligo para may mala-ASAP dance number sa banyo! Unleashing my inner Philippines' Pop Princess prowess! Buhos dito, sayaw d'yan. Hilod dito, kanta d'yan! Prak! Ganyan maligo. It takes time to achieve the cleanliness that is next to godliness, ika nga!

"Tao po!" 

Sa kalagitnaan ng aking concert ay may narinig akong boses ng lalaki sa labas. Nakailang ulit pa ito. Baka sa tapat namin nagtatawag at kami ang hanap? Bakit hindi labasin nila Inay? Si Niks, asan? Si Itay, bakit wala? Ay, char patay na pala!

"Nay, Niks, may tao!" sigaw ko, kasi alangan naman na ako ang lumabas? Parang tanga naman ako kung gagawin ko 'yon right now? 

"Walang tao, patay na!" rinig kong sigaw ni Inay. Chusera! Malamang isa sa pinagkakautangan niya 'yon kaya ayaw niyang labasin. Dedma na nga!

Nang matapos maligo ay syempre nagbihis na'ko? Alangan naman lumabas lang ako ng hubad? Parang di naman nag-iisip, eme! I decided to wear a hot red crop-top and pure white pants, together with white shoes.

Ang ganda-ganda ko? Prak! It should cost a billion to look this good, ika nga! Kaso... may panira, itong blackpack ko! What's blackpack? It's black na backpack, blackpack! Parang 'di ulit nag-iisip!

Dedma na sa bag, school day kasi ngayon kaya need ko pa rin na magdala nito. Gusto ko sana shoulder bag ang atake kaso wala naman kasya na notebook don? Parang tanga naman ako kung gogora sa school na paganda lang ang laman ng bag? Baka ang anes ni Sir sana sa salon nalang ako dumiretso, hindi sa school!

Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon