Chapter 7: New Life, Old Me

85 3 0
                                    

Iminulat ko aking mga mata at napahawak sa aking noo. Bumungad sa'kin ang isang white na white na kisame? Nasaan ba ako? Wala naman kaming kisame sa bahay!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nilingon ang aking paligid. Shuta???? I feel like I'm a barbie girl in this barbie room? Nasa isang malaking kwarto ako ngayon and when I say malaki, I meant it. Kasing laki ata ito ng gymnasium, ang lala? Char, ang OA!

Ang kama na aking hinihigaan ay sobrang laki, lambot at luwag. Tumayo na ako at nilibot ang kwarto. Sobrang ganda rito, halos lahat ng kagamitan ay kulay pink. Grabe, ito na ba ang heaven? Napatalon ako sa tuwa! 

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin na napansin. Nakasuot ako ng pink na pajama and I look fresh, kabog! Tamang awra at paganda pa ako nang mapansin ko ang isang note na nakadikit sa gilid ng salamin.

'Welcome home. This your room now, I hope you love it.'
                                                       - France

Napangiti ako nang mabasa ito, perhaps he knows me so well. I love this room, just like what I imagined my dream room would look like.

WAIT?

Kung kwarto ko ito edi ibig sabihin... Nasa palasyo ako ng mga Swarovski??? Nakakaloka!

Agad akong tumakbo sa may bintana at sumilip dito. Tila tama nga ang hinala ko dahil may kataasan ang room na'to pero ang nagpa-lula sa'kin ay ang view sa labas! Shuta, nasa harap ko ngayon ang isang napakagandang garden na bonggang-bouganvillea! Kasing laki siguro ito ng dalawang gymnasium? Char, ito na naman ako si OA!

Itinabi ko na ang sulat na iyon at naglibot-libot ulit sa room. Napukaw ng pansin ko ang isang malaking two-way pink glittered glass door! Omg, agad ko itong binukas. Bumungad sa'kin ang isang pasilyo. Agad ko itong tinahak. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat nang makarating ako sa dulo at ma-realized na walk-in closet pala ito!

"Wow..." tanging nautal ko nang makita ang napakaraming mga damit. Ang karamihan ay kulay pink ngunit meron pa ring ibang mga kulay. Bukod sa damit ay may mga shoes, bags, at jewelries! Super happy ko, huhu! Char, akin ba lahat ng 'to? Nakakaloka!

Agad akong naligo at nag-ayos bago ko sinubukang suotin ang ilan sa mga damit. Pak! Todo awra pa ako sa malaking salamin! Grabe, ang gaganda nila sobra! Si France ba ang namili sa mga damit nato? Siya lang naman ang may alam ng mga taste ko sa damit.

"Felfy? My dear, where are you?"

Natigilan ako sa narinig. Sino 'yon??? Hindi your face sounds familar ang the voice! Palakas nang palakas ang boses na ibig sabihin ay papalapit ito sa aking ikinatatayuan.

"Oh, there you are!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lady Jihyun! 

"Good morning po, Lady Jihyun." Nag-bow ako.

Lumapit siya sa akin at yinakap ako. "Enough with the formality, you're my son now, right? Just call me Mom," she smiled.

"Okay po," OMG, AYOKO! NAKAKAHIYA.

 "How's your sleep? Are you okay now?" tanong niya.

"I'm fine na po."

She pats my head. "I'm glad. Let's go na sa baba, I cooked breakfast for you," she smiled.

Napangiti rin ako dahil ang bait niya naman? Huhu. Chineck ko muna kung maayos ang itsura ko sa salamin bago tuluyang sumunod sakanya maglakad.

Nang makalabas kami sa aking kwarto ay sumakay naman kami ng elevator. Apaka-sosyal! Parang nasa mall ako. Nakakaligaw siguro rito.

Finally ay nakarating na kami sa garden? Omg, mas lalong maganda ito sa malapitan! Gusto kong magpicture-picture kaso nawawala ang phonelya ko, help! Asan na 'yon? Hindi pa fully paid 'yon! EME.

Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon