Chapter 8: It's Not Right But It's Okay

62 3 0
                                    

I've had it! Napabalik ako sa pagkakaupo at uminom ng tubig. Pilit na ipinapakalma ang sarili. Hindi ako papayag, hindi ito maari?! Chariz, OA!

"Why, dear? Is there a problem with Hoon?" tanong ni Mother.

"No, Mother, it's just that... Why would I settle for less when there's someone who's better?" oh, pak!

"What do you mean?"

"I don't want Hoon, I want France." Straight to the point ang bakla!

"Oh, dear, hindi mo ba nabalitaan?" Mother looks sad!

Napatigil ako sa pagkain. "Ang alin po? Bakit? Anong nangyari?!" sunod sunod ko na tanong. 

"He said he's busy."

I sighed with relief. "Jusko, akala ko naman kung ano na. Pag 'di na siya busy, siya nalang po, please!"

"Sure, ba't for the mean time, Hoon will be taking care of you."

Nang matapos ang dinner ay umakyat na rin ako sa aking kwarto at naghanda sa pagtulog. Humiga ako sa kama at napatulala sa kisame. Hay, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang buhay ko. Ika nga, kung panaginip man 'to, ayoko na magising pa.

Sa kalagitnaan ng aking muni-muni ay naalala ko ulit si France. Hinawakan ko ang pendant ng aking kwintas na binigay niya sa'kin. I'll never take this off! Kinuha ko ang aking phonelya at nagtipa rito.

Felfy: huyy asan ka ba? miss na kita!

Pagkapindot ng send button ay natapon ko ang aking phonelya sa kabilang sulok ng kwarto! Agad naman itong tumunog kaya pinulot ko ulit.

France: Sorry, My Lord. I'm just fixing some stuffs, I miss you too. I'll be back soon, I promise.

Kumunot ang noo ko. Malihim ang ating kalihim? Anong fixing some stuff pinagsasabi niya? May repair shop ba siya? Jusko, parang eme-eme!

Felfy: mas mahalaga pa ba 'yan kaysa sa'kin? CHARIZ PIE PICACHE!

Felfy: Oh sya, ingat ka!

France: Ingat ka rin.

Pagtapos non ay binaba ko na ang aking phonelya at natulog na'ko kasi masyado nang quota ang araw na'to! 

"Lord Felfy... Gising na po..."

Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa pagkatao ko! Nakakaurat! Iminulat ko ang aking mata at mas lalong nabwisit nang makilala kung sino ito! Si Hoon!

"Omygod, can you please stop alog-alog me? I just want peace. Please, get out..." antok na sabi ko.

"Sige po... sorry." anes niya, at naglakad na papunta sa pintuan pero bigla siyang humito. "Gusto niyo po dalhan ko kayo ng breakfast?"

"No, thank you, but no thanks," anes ko, nudaw? Nagtungo na'ko sa bathroom para maligo at makapag-ayos. 

Nang matapos ay bumaba na rin ako at pumunta sa Dining Area. Nadatnan ko siyang inaayos ang aking plato at mga kubyertos.

"Kain na po, Lord Felfy," alok niya nang makita ako, ngumiti pa siya.

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Nanatili lang siya nakatayo at nakabantay sa akin sa 'di kalayuan.

 "Umalis na sila Father and Mother? Si Kuya?" tanong ko.

"Umalis na po sila pero ibinilin nila kayo sa'kin. Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang." tugon niya.

"Okay..." sinubo ko ang slice ng pancake. "AYYYYYRAYY." Shuta? 

Dali-daling lumapit sa'kin si Hoon."Ayos lang po kayo?"

Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon