Chapter 4: Rain on me, tsunami!

108 2 1
                                    

"Bakla, gising! Hoy!"

Irita kong minulat ang aking mga mata sa realidad at bumungad ulit sa'kin ang nakakasurang mukha ng kapatid ko. "Ano ka ba, bakla?"

"Anong nangyari? Ba't umuwi ka pa rito? Hindi nag-match DNA mo?" tumawa siya.

"Oo, hindi nagmatch sainyo, che! Aga-aga pa, kumalma kang puta ka!" anes ko, at bumangon na sa papag.

"Ulol!" sigaw ni Niks at tumakbo palabas ng kwarto.

Lumabas na rin ako. "Anong almusal, ma?" bungad ko at umupo sa hapag-kainan.

"May tirang lechong manok pa d'yan kagabi, initin mo na lang," tugon niya habang nagwawalis. "Nga pala, anong nangyari? Mayaman ka na ba? Ba't ka pa bumalik dito?"

"Kalma, wala pa raw ang result, next next week pa malalaman."

Napakamot siya sa ulo. "Hay nako! Pag 'yan naging bato pa, ewan ko na lang kung saan tayo pupulutin."

Natawa ako at lumapit sa salamin sa pader para tignan ang sarili. "Don't worry, kahit anong mangyari, aahon tayo sa hirap. Hindi ko na papakawalan pa ang biyayang lumapit sa atin," may diin kong sabi.

"Gago, para kang tanga!" sigaw ni Niks at binato ako ng babasaging plato! Tangina niya kahit kailan!

Naging maayos naman ang weekends ko. Nagsimula na'kong magpaalam sa mga kapitbahay namin. Pinagsasalitaan ko sila ng hindi magaganda dahil deserve naman nila 'yon! Mga maldita sila! Ngayong yayaman na'ko, hindi ko na kailangan pang makipag-plastikan sakanila!

"Larga na'ko!" paalam ko, bago tuluyang umalis sa bahay. Hay, nakakatamad! Monday na naman at may pasok kami. 

"Sana hindi mo ginagawang personality trait ang pagiging late!" bungad sa'kin ni Kai nang makapasok ako sa room at umupo sa aking chair.

Nainis ako sa patutchada niya kaya naisipan kong kunin ang eraser sa whiteboard at ipinakain ito sakanya. "Ayan, puta ka! 'wag mo kong ginaganyan, kaya kita!"

Nagtwanan lang kaming dalawa habang siya ay panay ang ubo dahil sa ginawa ko.

"Andyan na si Sir!" napalingon kami kay Yej nakakarating lang. Kasama niya si Hwan.

Nakakabagot mag-disscuss si Sir pero pinipilit kong makinig dahil 'yon naman ang dapat kong gawin. Ano pa ba?

"Okay, now prepare one whole yellow pad! We will be having a long quiz right now." 

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sir. Umingay ang klase dahil kabila't kanan ang reklamo! Pati ako ay nainis! Ano ba 'yan, bakit biglaan?

"Alam na mga bakla!" anes ni Kai. Siya ang pinaka-matalino sa'ming mga bakla kaya sakanya kami lagi kumokopya. Ang kopyahan namin ay bayanihan. Kahit anong uri pa 'yan ng test, magagawa naming magkopyahan.

"This is equivalent to 200 items.  Why so many? this will also serve as your periodical exam so take this seriously."

Lalong umingay ang klase, puro mura na ang maririnig, hindi reklamo!

"And one thing..." pahabol ni Sir. "I'll arrange your chairs for you to avoid cheating."

Nawalan na'ko nang pag-asang makapasa dahil napalayo ako sa mga bakla. Kahit papaano ay magkakalapit pa rin sila pero ako itong napalayo.

"Let's start."

Lugmok akong nakapalumbaba sa canteen. Break time na at kakatapos lang ng test. Bagsak ako at ang tatlong bakla ay pasado!

"Ano na pala balita 'te? Mayaman ka na ba?" chika ni Yej.

Nilingon ko siya. "Next next week pa raw malalaman ang DNA result."

Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon