Nang makapasok sila sa loob ay sumunod na rin kami. Mala-theater ang atake! May malaking stage sa gitna at upuan na pang-sinehan sa paligid. May babang upuan at taas. Kapansin-pansin na Swarovski Fam lang ang nakaupo sa itaas.
"Can I have this?" tanong ko sa dumaan na waiter na may dalang coke. Binigay naman sa'kin.
Front row daw ang mga candidates katabi ng mga investigators nila. As expected, makakatabi ko si Won sa kanan at si France naman sa kaliwa. Sa likod namin nakaupo sina Mudra at Niks.
Inirapan ko si bakla na nakaupo na ngayon. Saktong pa upo na'ko nang naisip kong itapon sa suit niya ang drinks ko. "Oops, I'm sorry," mocking him.
Kitang-kita sa mukha niya ang inis. Agad siyang napatakbo sa Powder Room. Nilingon ko si France dahil baka galit siya sa ginawa ko. I gave him an innocent smile. He just smirked as he shook his head.
"Attention, Candidates! Need na kayo backstage for the openning," sigaw ng isang staff.
"Goodluck," anes ni France.
"Thank you for everthing... I won't dissappoint you!" yinakapa ko siya.
"Nak, galingan mo, ah? Kabugin mo silang lahat." anes ni Mudra. Yinakap ko rin siya.
Si Niks naman ay ngintian ako. Nakipag-fist bump pa siya!
Nang makarating ako sa backstage ay andon na si Won pati na rin ang ibang candidates. Naka-pila sila. Ilang beses ko na sinabing kinakabahan ako kasi sasabihin ko ulit? EME. I noticed that they're all wearing black suits. I feel overdressed!
"Fely? Pinaka-dulo ka raw ng pila," sabi sa'kin ng isang candidate kaya pumila agad ako sa likod.
May isang person na pinapagitnaan namin ni Won kaya dedma ako sakanya. Papansin na naman siya na puro goodluck pa sa ibang candidtates. Pakitang-tao.
"Okay we're airing in 3, 2, 1..." sigaw ng staff.
"Welcome to the Grand Reveal of The Long-Lost Heir. Please welcome the Swarovski Family!" sabi ng voiceover.
Maririnig ang malakas na sigawan at palakpakan ng lahat. Mala-royal ang background music. Dahil papatayin na ako ng kuryosa, hindi ko napigilang silipin kung anong nangyayari sa stage.
"Omygod!" Nakakaloka. Ang kaninang inuupuan na mga trono ng pamilya sa taas ay ngayon nasa ere na papuntang stage. Budget, mama!
Nagpatuloy ang sigawan at palakpakan ng lahat. Nang makalapag ang mga trono sa stage ay kapansin-pansin na apat ito. Sa isang trono sa tabi ni Lord Hee ay walang naka-upo.
"Mukhang isa sa atin d'yan ang uupo mamaya," anes ni Ken na nasa tabi ko. Naalala ko pa ang name niya mula sa Testing Center.
"Truth."
"I got an idea, Why don't you take a picture, it'll last longer," sabi ni Lady Jihyun. Kahit kaming nasa backstage ay napasigaw nang marinig 'yon.
Pagkatapos ng pasabog nila ay bumalik na ang pamilya sa taas. Bumalik na rin kami sa pila.
"Ladies and gentlemen, Mama Ru!" sabi ulit ng voicover. NAGSIGAWAN ANG LAHAT!!!!!!
"HALA WEHHHH? MAMA RU IS THE HOST?" Halos mapatili ako sa saya.
"Welcome to the Grand Reveal of the long-lost Heir. Tonight on the runway, category is Long-Lost Heir Eleganza. Candidates, start your engine and may the best Heir win!" nagpalakpakan at sigawan ang mga tao. Yes, nakasilip ulit ako. Umalis na si Mama Ru sa stage.
"First up... She's everything, he's just... Ken." nagpalakpakan ang mga tao. Rumampa na sa stage si Ken.
Bumalik na'ko ulit sa pila. Excited na'kong rumampa! Ano kaya ang introduction sa'kin? Sana catchy!
BINABASA MO ANG
Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)
FanfictionFelfy (Sunoo) is a ragged, pompous, and prolific ukay-ukay fashionista in his batch. People are mesmerized by his playful, insightful, and randomized personality. He's all that, the elusive chanteuse! What about France (Jay)? Oh, he's just a butler...