Chapter 5: The Grand Preparation

75 3 0
                                    

"Hala si bakla? Tabi! Ginawa mong pool ang baha!" sigaw ng lalaki.

HALA SINO 'TO? HINDI NAMAN ITO SI FRANCE!

Agad akong tumayo at tinarayan 'yung lalaki. Huhu, ang lakas pa rin ng ulan. Nang mapansin na walang malapit na kotse sa daan ay tumawid na'ko pero nasa gitna palang ako nang marinig ang isang malakas na busina! Hala, sige! Wala na'kong pake.

Nagtaka ako nang may lalaking naka-payong ang bumaba mula sa driving seat ng kotse. Sa takot ko na mapagalitan na naman ay nagmadali na akong tumawid.

"Hey, what are you doing here?!" rinig kong tanong na lalaki. Pamilyar ang boses, OMG!

"FRANCE?!" sigaw ko nang lumapit sa'kin ang lalaki at makilala ito. Sa gulat ko ay nayakap ko pa siya! Nabasa din tuloy siya HUHU.

"Stay here, okay? I'll get you food," France said.

I just gave him a soft nod. Nakaupo ako ngayon sa table ng convience store. Matapos ng aming encounter ay dinala niya ako rito. Kahit na suot ko sa aking balikat ang jacket niya ay nilalamig pa rin ako kaya yinakap ko na lang ang aking sarili. 

Nang makabalik si France ay may dala siyang sandwitches at orange juice. Naupo siya sa harap ko.

Agad kong nilantakan ang mga pagkain. Gutom na rin talaga ako! Nakakaloka kasi ang mga pangayayari today!

"So, tell me what happened?" tanong niya.

Umiling ako. "Nothing, just some school drama, but I'm fine now that I'm with you." I smiled.

He raised a brow. "Are you sure?"

Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain habang siya ay busy sakanyang phone.

"By the way, can I get your number? Just so we can communicate and update you easily?" tanong niya.

"Okay ito number ko, 0922tutunogtunogpagditumunoglowbat."

Umalis na rin agad kami sa store nang matapos akong kumain. Sumakay kami sa kotse niya.

"Bakit ka pala pumunta sa school?" tanong ko habang nasa biyahe.

"I want to fetch you," tugon niya. "And I'm glad I did." he smiled.

"Thanks." Ano ba 'to? Puro english. Mapapalaban ako.

"And also to tell you that tommorow night na malalaman ang DNA result."

Napatakip ako ng bibig. "OMG? Kinakabahan ako. Feeling ko hindi magma-match sa-"

"Shhh- Don't be," pagputol niya sa'kin.

"Okay, bahala na bukas."

Nang makarating kami sa barangay namin ay nagpaalam nako sakanya. "Bye, salamat ulit!" kaway ko sa kotse niya. Tumila na sa wakas ang ulan. Habang naglalakad ako pauwi ay biglang tumunog ang phonelya ko.

Unknown: This is France. See you tomorrow. I forgot to tell you, I'll be there after lunch. We have to prepare because the DNA test result will be a red-carpet event :)

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa nabasa. Hindi ako makapaniwala.

Felfy: RED CARPET EVENT? OMG, THIS IS SO EXCITING. APAKA OA NAMAN NG SWAROVSKI FAM, RED CARPET EVENT TALAGA? AAAAAAHHHHH PASABOG TALGA SILA! HUMANDA SILA DAHIL BEST IN EVENING GOWN AKOOOO.

Reply ko sa message niya pero hindi naman nagsend kasi wala akong load. Agad naman akong nagpaload sa nadaan kong tindahan. Utang pa!

Sobrang excited ako umuwi. Tulog na si Mudra at Niks kaya 'di ko na sila inistorbo pa. Nang matapos akong maglinis ng bahay ay naghanda na'ko sa pagtulog. Doon ko lang naisipan na i-text si France. Sana gising pa siya.

Felfy Rich! | SunJay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon