PROLOGUE.

454 4 0
                                    


DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Kakagising ko lang pero para bang wala pa akong tulog sa sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko.

"Shit." Usal ko.

Naramdaman ko ang kirot ng katawan, pati na rin ang bigat ng pakiramdam nang bumangon ako.

Pumikit man ako o dumilat ay parehas lang na umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako at tila ba sinisilaban ang buo kong katawan. Hinang-hina ako at sobrang sakit pa ng ulo.

As I checked my temperature, umabot ito sa 39°C. Pinilit kong bumangon upang magluto ng sopas. I took one paracetamol and sit in a cold bath. After changing in a light clothing, I got back to bed. Pumikit ako hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.

"Pati ba naman phone ko wala nang time na mag-alarm para sakin.." I hissed, turning my annoyance over the poor cellphone at my hand. 

Nagising ako bandang alas syete na ng gabi. Lampas na naman sa oras ng pag-inom ng gamot.

Ganitong panahon ko mas lalong namimiss si Mama. Naalala ko noong magtanong ang CI ko way back college. Saan daw ba ako pumupunta kapag mayroon akong sakit, sa hospital or sa albularyo? At ang tanging sagot ko ay 'sa kwarto po ni Mama.'

Nakakatawa.  

  "Busy na naman siya." I unconsciously uttered while staring at my phone. Sadness and disappointment was evident in the hoarseness of my voice.

I sighed.

Hindi na nakakatuwa.

Kumain na ako ng light meal para easy to digest lang. Isa pa, wala din naman ako ganang kumain. Kailangan lang talaga para maka-inom ng gamot. After taking another paracetamol, bumalik ako sa pagtulog.

Na-alimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko.

"Hello?" Antok kong sagot sa tawag.

[Hi, Iz.] He answered with his natural soft voice and calm tone. [Nasa labas ako. Can you open the door for me?]

"Teka lang." I replied and ended the call.

Unti-unting napawi ang nararamdaman kong tampo nang mabungaran sa kabila ng pintuan ang napakaganda niyang ngiti. At tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pagtatampong meron ako nang agad niya akong salubungin ng isang nanlalambing na yakap.

"You're febrile, Iz." He whispered, feeling my forehead with his cheek. Puno ng pag-aalala ang malambing nitong boses.

"I haven't been feeling well since this morning." Namamalat kong sagot.

"You should've told me. Naibili sana kita ng chicken soup." He said while gently combing my hair.

"Actually, I did." Mahina kong sagot, pilit na itinatago ang tampo sa boses ko.

Sandali siyang natigilan at saka bumuntong hininga.

"I'm sorry." Mahina din niyang sabi at saka muling sinuklay ang hibla ng mga buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. "Ako na lang ang magluluto."

"Nagawa ko na." Buntong-hininga ko.

He smiled, a sad one. Marahan niya akong hinila at pinaupo sa couch.

"Uminom ka na ba ng gamot?" He asked. Pilit naghahanap ng bagay na magagawa niya para saakin.

"linom palang." I replied.

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon