20| AGAINST THE ODDS.

27 1 0
                                    

"Uwi na. May duty ka pa mamaya." Saad ko pagkapasok sa pinto ng sariling apartment.

"Can I stay?" He tried his luck.

Natawa tuloy ako.

"No." Iling ko. "Definitely not."

"I'm drunk." Hirit pa nito.

"Ala-una na, Carlo." Paalala ko. "Ingat ka."

Isinara ko na ang pinto, pero di ko pa nga nabibitawan ang doorknob ay bigla itong kumatok.

"May nakalimutan ka, Iz." Bungad nito habang itinuro ang kanyang mga labi.

Napa-iling na lang ako habang sinenyasan itong lumapit. Bahagya nitong iniyuko at inilapit ang kanyang mukha upang magtapat ang mga mukha namin.

Inilapit ko ang aking mukha upang bigyan ito ng isang mabilis na halik sa labi.

"Sige na, alis na." Saad ko at mabilis na isinara ang pinto.

Mabilis niya ring hinawakan ang border ng pinto kaya hindi ko iyon tuluyang naisara.

"Yun na 'yon, Iz?" Kunot-noo nitong tanong at saka dismayadong napailing. "Di ka naman marunong. Ako nga."

Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla itong pumasok at sinunggaban ako ng halik.

It was just a simple peck on the lips not until he pushed me, pinning me against the wall of my apartment. Things started to get a little bit hot and streamy, kissing each other with hunger and passion as if our life depends on it..

..then someone turned on the light.

"Seriously, people?!!" Avril exaggeratedly interrupted us. "Have some respect guys.."

Agad akong napatalikod dahil sa hiyang gumapang sa buo kong katawan. Gigil kong nakurot ang tagiliran ni Carlo dahil sa labis na kahihiyan.

"Engineer.." Carlo said, acknowledging Avril's presence. "Andito ka pala.."

"Uh-huh. Kaya hindi dapat kayo nag-ga-ga-ganyan." Mataray nitong duro saamin. "Please lang, mahiya kayo kasi hindi ako aalis rito."

Natawa na lang ng mahina si Carlo sa mga pinagsasasabi ng kaibigan ko.

"Since andito na lang din naman ako, I was wondering if-"

"No, kid. You can't stay." Agad nitong sabat upang putulin ang kung ano mang sasabihin ng boyfriend ko. Lumapit ito saamin at hinila ako palayo kay Carlo, pagkatapos ay pinalo ang puwetan ko. "At ikaw naman, Iz! Go to your room."

"Umuwi ka na, Carlo. Strict itong parent ko." Natatawa kong silip sa lalaki.

Humarang naman si Avril sa tinginan namin.

"Utang na loob, tama na!" Eksaherada nitong bulalas at saka itinulak ang bisita palabas ng apartment.

"Come on, Engineer.." Natatawang hirit ni Carlo.

"Go home, child." Masungit nitong sabi at saka pinagsarahan ng pinto ang lalaki.

Pumihit ito paharap saakin nang may naniningkit na mga mata. Unti-unti itong lumapit saakin at saka idinuro ang mukha ko.

"Bastos ka." Pang-aasar nito.

Pinalo ko naman ang daliri niya na nakaduro sa pagmumukha ko at saka nginisihan ito, "Istorbo."

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon