01| IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.

218 5 0
                                    

"So why did I choose nursing? Because why not? My sister used to passed out back then. And everytime she loses her consciousness, I feel like I'm going to lose mine either. Looking back, my Ate was too scared and I am as well. That's when I decided to study and learn how to be strong in situations like that." I answered genuinely. "I wanted to provide care and I wanted to be strong for someone when they couldn't be strong anymore. And that, is what I want to do for the rest of my life."

After four agonizing months of waiting, praying, and hoping. Finally, results are out. And just like that, my notification bursted with tags of the same photo. It was the result of those students who passed the entrance exam, and luckily, my name was listed. I was flooded with congratulations and almost drown from it.

It was a total euphoria, when finally, my dream university opens their gate for me.

"Thank you talaga Avril, ah?!" Sincero kong sabi sa kaibigan ko.

"Maliit na bagay, girl." She smiled. "Salamat din dito sa pa-frappe at pa-fries mo."

"Oo naman. Pa-thank you ko 'yan dahil in-enroll mo ako." I smiled back. "Pero tama na, ah? Wag ka na o-order kasi wala na akong pera."

At ano pa nga ba ang pinaka-better gawin bukod sa tumawa?

"So kumusta? May gwapo ba sa section niyo?" Excited nitong tanong.

"Ay beh, malabo." Iling ko.

"Edi sa ibang section ka maghanap! At kung wala pa rin, edi sa ibang year level!" She playfully said while sipping on her drinks. "Sa dami ng nursing students sa university natin, imposibleng hindi tayo makahanap ng pogi kahit isa man lang, 'di ba!?"

"Actually, may isang student council officer from level 2 ang pinagkakaguluhan ng halos lahat ng level 1." Walang gana Kong sabi.

Muntik pa dumugo 'ang nguso ko dahil halos ingudngod na ni Avril ang cellphone niya sa pagmumukha ko.

"Ano name? Bilis, i-search natin!" Excited nitong bulalas.

Padabog ko namang kinuha ang cellphone niya at nilagay doon ang pangalan ng lalaki.

"Malakas ang gut feel ko na bakla 'yan, beh." I firmly said, out of nowhere.

"Huy, grabe ka." Palo nito sa braso ko.

"Beh, hindi ko naman 'yon basta hinulaan lang. Syempre pinag-stalk ko siya kasi nga crush siya ng buong sambayanang level 1. Tapos pagtingin ko sa profile pic niya narealize ko, 'Ay shet, bakla 'to.' " I explained. "Ang puti. Tapos 'yang itsura, 'diba? Oh. Active pa sa school organization."

"Gagi. Bakit? Lahat ba ng maputing guy at active sa school.." Hindi na nito tinapos ang sinasabi at saka dismayado ng tumingin sa akin habang nailing. "Girl, bakla agad? Ito talaga."

"Bakit? Mukhang bakla naman talaga siya. Ayan oh, Nasa harap mo na 'ang picture niya. Tingnan mo at suriin mo ng mabuti. Pero beh, one look lang nga e." Sagot ko at ipinagpilitan ang opinyon ko habang sinisipat ang larawan, nang bigla ko siyang nalingunan. Kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin na para bang nag-t-transform ako. "Hindi ba?"

"Hindi talaga." Sagot niya habang sinisipat ang profile picture nito, sinusubukan intindihin ako. "Alam mo, epekto ata yan nong dalawang taon mong pag-stop at pagiging taong-bahay. Confused ka na sa mga bagay-bagay, or should I say, limot mo na ang itsura ng mga lalaki."

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon