It was 26th of October.
I am sitting at my usual spot. I stayed there from dawn to dusk, making me realized that every beginning has an ending.
It's already 9 in the evening. Kararating lang ni Avril. Ako naman, I was in the veranda for more than twelve hours straight. Nadatnan niya akong nakatingala at humahanga sa napakalaking bilog na buwan.
"You're here." She said acknowledging my presence. Tumango-tango ito at pumihit paalis, pagkatapos muling nagsalita. "Well, I guess two hearts will be breaking tonight."
I sighed.
Pagbalik nito sa veranda ay may dala na itong beer at chips.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" She asked.
I shake my head.
"Hindi ko alam." I smiled. "I am a nurse and he's a resident doctor. Alam mo namang gusto kong mangibang bansa 'di ba? Aware ka rin na ang trabaho ni Carlo demands his full time and attention. Do you think this relationship will work? How?"
"By making sure that it will." She answered. "It will work because you and Carl will make sure of it, right?"
"I'm not sure anymore." Iling ko.
"Pero mahal mo siya at mahal ka rin niya. Sigurado ka doon, 'di ba?" Sagot nito. "Nakaya mo nga for seven years e. Ngayon mo pa ba siya bibitawan? Kung kailan saulo niyo na ang bawat isa? Kung kailan marami na kayong pinagsamahan at napagdaanan? Ngayon niyo pa ba isusuko ang relasyong ito gayong naging tahanan niyo na ang isa't-isa?"
"Avril naman.." Naiinis kong sabi. "Ano ba?! Why are you making this hard for me?! Wag mo ng ipilit pa.."
Sandali siyang napatitig saakin at dismayadong napailing sa inasal kong iyon.
"Hindi kita pinipilit makipagbalikan sakanya at mas lalong hindi kita pinipigilan na makipaghiwalay." Sagot nito.
"Eh anong tawag sa ginagawa mong 'to?" Napapagod kong tanong.
"I'm just making sure that you'll not live your life with regrets, Iz." Seryoso nitong saad. "Alam kong mahal na mahal mo siya and he loves you too, sobra. Pero Iz, napapagod din ang puso. Kapag naghiwalay kayo, he'll soon move forward. Time will come and he will open his heart again for another female. Ayokong dumating 'yong panahon na nakamove-on na si Carl at may mahal na siyang iba, tapos ikaw andito ka pa rin. Puno ng panghihinayang at pagsisisi. Hindi ko iyon kayang makita, Iz."
"I'm sorry." Pag-iwas nito ng tingin at saka pinunas ang luha. "I was just really frustrated."
"Pero kung buo na ang desisyon mong tapusin ang relasyon niyo at kung tingin mo iyon ang pinakamaganda at pinakatamang gawin.. hindi ba parang mas maganda kung tatapusin mo ito ng mas maayos? In that way, maghihiwalay kayo ng mas maayos. Carl deserves an explanation. He deserve your reason." Mahinahon niyang saad at saka hinawakan ang kamay ko. "Iz, seven years. Don't you think that a lovestory as beautiful as yours.. deserve a proper closure?"
Napatitig ako sakanya habang unti-unting dumadaloy sa mga pisngi ko ang mga luha ko.
"Avril.." Iyak ko.
Tumayo ito para yakapin at patahanin ako.
"Basta kahit ano pang maging desisyon mo, andito lang ako. Hindi ko kayang hingin, hiramin o alisin ang sakit na nararamdaman mo, pero asahan mong may kasama ka hanggang sa dumating yong araw na hindi na masakit." She whispered. "Hangga't andito ako, hindi ka mag-iisa."
BINABASA MO ANG
Dopamine Rush
Romance"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa sakin 'to?" Pinahid ko ang mga luha ko. Tinatanggalan ang sarili ng karapatang umiyak. He deserves an answer. Dahil kung hindi, mapupuno si...