It hurts..
A lot.
So much.
"Manong, dito na lang po." Mahina kong sabi sa taxi driver sabay abot ng bayad.
Bumaba ako sa isang parke, malapit sa tinutuluyan kong apartment. Napaka-bigat ng dibdib ko na para bang may kung anong nakadagan dito. Parang mayroong nakasakal sa leeg ko at may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Hinang-hina ako na para bang pasan ko ang buong mundo.
I didn't see it coming. None of this. Never in my life. We've been together for almost seven years. I am so busy loving and falling in love with him, nawala sa isip ko na possible nga palang ma-fall out of love.
"Baka nga nagsawa na siya sa akin.." Nanghihinang napaupo ako sa dulo ng slides. "Ang daya."
Napatingala ako sa ulap. Madilim, mabigat, na para bang nakikidalamhati saakin. Sumasalamin sa aking damdamin. At naalala ko siya. Kung paano ko sakanya i-kwento ang paghanga ko sa mga bituin, kung gaano ako katakot sa kidlat, kung paano ako inaatake ng anxiety sa tuwing umuulan ng malakas. Ikwenento ko sakanya ang lahat. Lahat ng takot, saya, at kaba.
Hindi niya sinungkit ang bituin para ibigay saakin, hindi niya rin pinigil ang kidlat, at hindi niya pinahinto ang ulan. Pero sinamahan niya ako sa lahat ng iyon nang sa ganon ay hindi ako mag-isa.
Unti-unting nag-init ang gilid ng mga mata ko, tanda ng mga nagbabadyang luha. Then, a single tear escaped my eye.
Isa.
dalawa.
Hanggang sa sunod-sunod na. That's when the heavens decided to join me. The rain fall the same way my tears do. It fell on the ground hiding my tears. Sa unang pagkakataon ay na-appreciate ko ang ulan. Kung paano ako nito sinabayan, kung paano ako nito sinamahan, at kung paano nito yinakap ang aking katawan.
Hindi ko na napigilang humagulgol. I cried out loud as the breeze hugged me, whispering your name repeatedly.
On that night, I knew, that series of rainy days is coming through.
________________________________________________________________________________Gabi na naman.
At katulad ng mga nakaraang gabi, bigla na lang ulit tutulo ang mga luha ko ng walang pasabi. Gabi-gabi ay maulan.
madilim.
mabigat.
masakit.
malamig.
In the midst of the night, while everyone's asleep, I am wide awake. Diving into the sea of thoughts and almost drowning myself every time. Tears continue to stream down my cheeks as I stared blankly into the darkness. It was me and my muted sobs, silent voice, and a loud screams in my head against the world.
I close my eyes to calm myself but flashbacks appears that I almost explode. I was choked.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong nakita ko. Ang kamay ng babaeng iyon na nakapulupot sa katawan niya, ang ulo niya na nakapatong sa balikat nito na tila ba yakap siya ng mundo. Suddenly, my suppressed sobs demanded to come out and be heard.
At katulad ng mga nakaraang gabi, hinayaan kong tumulo ang mga luha ko hanggang sa mapagod ang mga mata ko. I let my heart bleed until it bleeds no more.
BINABASA MO ANG
Dopamine Rush
Romansa"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa sakin 'to?" Pinahid ko ang mga luha ko. Tinatanggalan ang sarili ng karapatang umiyak. He deserves an answer. Dahil kung hindi, mapupuno si...