03| ORDER.

69 6 0
                                    

"Girl, kinakabahan ako." Bungad sa akin ni Rissa, isa sa mga groupmates ko sa skills lab.

"Hala ako din." Sabat ni Zelle sa usapan namin na tungkol sa return demonstration namin ngayon sa bipolar naming CI.

"Relax lang. Hawak naman natin 'yong trauma form e. Andon na lahat. Ikalma niyo mga beh." Pagpapakalma ko, habang tinitingnan kung nadala ko ba lahat ng equipment na kailangan ko for today's retdem.

"Hindi kami katulad mo, beh." Pang-gagaya sakin ng halos kararating lang na si Des.

"Andyan na si Sir!" Impit na tili ni Lexie ng makita ang paparating na aura ni sir na talaga namang main character na main character.

"Good morning, group 3. Ready na kayo?" Bungad nito sa amin.

Aba, nakangiti. The design is very sa-una-lang-yan, kasi maya-maya niyan naninigaw na yan.

"Syempre. ." Confident kong sagot na agad ko ring sinundan. "syempre wala kaming choice. Joke! Good morning din po, Sir."

"Ganun talaga." Tawa ni Sir. "We, nurses, should always be ready."

Syempre tama naman siya kaya sumang-ayon nalang kami.

"Sir, relax lang tayo later ah? Masyadong mainit ang panahon." Pagbibiro ko, umaasang kaya pa 'tong madala sa charm ko. Charriz.

"Ay tama, Sir. Delikado." Pang-uuto rin ni Rissa para suportahan ako.

"Ay wala. Sigaw kung sigaw. Galit kung galit." Sagot naman nito. "Minsan talaga kailangan sumigaw para ma-pressure kayo at maging mas alerto. Kasama yan dyan. Trabaho lang, walang personalan."

Alerto? Aligaga kamo.

"Noted, Sir." Pag-sang ayon na lang ni Ron.

"O, sino na ang mauuna? Mag-prepare na." Sabi ni Sir. "Yong timekeeper mag-ready na din. Basta 15 minutes sa trauma and 10 minutes for the neuro."

"Yes, Sir." Sabay-sabay naming tango.

". .bilis-bilisan ang kilos. Tandaan, you are under time pressure." Final-briefing ni Sir. "Galingan."

Nagsimula na si Thea, since siya naman ang unang mag-p-perform. Bunutin ba naman kasi 'yong number 1.

"Iz?" Pagtawag ni Sir sa akin habang inaayos ng second performer ang kanyang mga equipments.

"Sir?" Lapit ko.

"Pang-ilan ka sa mag-pe-perform?" Tanong nito.

I had a bad feeling. .

"Pang-apat po, Sir." Sagot ko.

"Good. Utusan muna kita ha? Importante lang. Is it okay with you?" Nakangiti nitong tanong.

No.

Utusan mo ba ako? Student assistant mo ba ako? Then why?!

"Okay lang naman po, Sir." Tango ko.

"Can you get the file on my desk in my cubicle sa faculty? Papirmahan mo sa level chair coordinator at sa program chair. Then bring it to the Dean's office." He instructed.

"Tapos, iiwan ko na po yun sa Dean's office?" I asked for clarification.

"Yes, yes." He nodded and smiled.

"Okay po, Sir." Tango ko din.

I did what was instructed. Medyo nahirapan lang ako sa paghahanap kay ma'am Eve, ang program chair coordinator ng department namin.

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon