10| DOPAMINE RUSH.

38 3 2
                                    

"Ay, hindi ko ba nasabi? Hanggang alas dyes lang ang pasok ko today." Sagot ko nang mag-aya itong kumain sa labas, at saka tinanggal ang soot na helmet. "Twelve pa kasi ang out mo. Dalawang oras lang tulog ko kagabi, I need to rest, may duty pa tayo tomorrow."

"Ano kaya kung hintayin mo na lang ako para maihatid kita? Alas tres pa naman ang sunod kong klase e." Suhest'yon nito.

I bit my lower lip as I gathered my thoughts and organized my statement, so that I can explain the matter clearly.

"Pupunta kasi sa bahay si Hash.." Panimula ko pero agad ko namang na-i-paused ang sasabihin ng awtomatikong tumaas ang kabila nitong kilay.

"Bakit?" Suplado ngunit kalmado nitong tanong.

"Di ba ako kasi 'yong tumapos nong project namin kasi nga deadline n'on ngayon? E naiwan ko sa bahay, kaya kukunin niya." I explained, "Kaya sakanya na ako sasabay since pareho namang sa bahay ang punta namin."

"Kayo lang?" He asked.

"Wag mong sabihing gusto mong sumama, Carlo." Biro ko naman. "Sige na, ma-le-late ka na."

"Ingat ka." Tango nito at saka pinaandar ang makina ng motor niya, pagkatapos ay muling tumingin sa akin. "Baka mahulog ka sa iba."

Napataas tuloy kabilang kilay ko.

"Ikaw ang mag-ingat. Lalo na't iisa lang palagi ang balitang nakakarating sa akin. Lagi mo raw ka-angkas si ano. Umayos ka, baka maniwala ako sa mga naririnig ko." Pabiro kong sagot at saka nginisihan ang lalaki. "Sinasabi ko sayo, selosa ako Carlo."

Tinugunan niya lang ng tawa ang sinabi ko bago tuluyang umalis.

"Ilang buwan na ang lumipas, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga matanggap ang panlalamang mo anteh!" Pabirong komento ni Ron tungkol sa relasyon namin ni Carlo, pagkarating ko sa pwesto nila.

"Sobra na talaga. Kahit ako, hindi pa din makapaniwala na nagawa mo sa amin yon." Segunda naman ni Thea.

"Wala akong masabi sayo, Ate Iz. Galing mo magtago." Iling naman ni Lexie.

Tinawanan ko lang ang mga komento nila.

Marami talagang nagulat sa IG post ko. Walang soft launch, hard launch kaagad. Hindi talaga nila inasahan ang katotohanang iyon. Tawang-tawa ako sa mga nag-comment sa post ko. Ultimo mga Instructor na nakakakilala sa amin ay nagulat. Mabuti na lang talaga at sobrang aga ng schedule niya after nong revelation ko, dahil kung nagkataon, siguradong pag-pi-p'yestahan kami ng mga students sa department namin.

"Ang cute nga nila e. Nakakakilig kaya sila. Hindi nakakainis tingnan." Sabat ni Des, na kinikilig sa gilid. "Feeling ko ang sarap maging boyfriend ni kuya Carl. Tingnan mo naman itong si Iz at super blooming kahit sobrang stressing ng nursing school."

"Basta team Lo-iz ako!" Parang siraulong sabi ni Rissa.

Tulad lang din naman kasi kami ng dati, hindi kami laging magkasama, pero nagpapansinan na kami, nag-uusap, nagbabardagulan. Kapag ganon, may mga napapatingin pero deadma na lang din. Yong relationship, lowkey pa din naman, in a way.

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon