13| VOW.

38 4 0
                                    

"Iz, this one's for you." Nakangiting sabi ni Tita Carla at saka ilinapag sa tapat ko ang isang paper bag. "Pupunta sana talaga ako sa inyo ngayon para ibigay iyan."

Aksidente kaming nagkasalubong sa labas at pagkatapos ay inaya akong mag-kape kaya andidito kami sa loob ng isang coffee shop.

"Thank you, Tita." Ngiti ko.

"Actually it's a package for Carl from his ninang in abroad. It's a healthy cereal that is good for the mind daw. Yong kalahati ay pinadala ko na kay Carl sa Novaliches, at iyan naman yung kalahati. Naisipan kitang bigyan since you're on review for your board exam this April." She smiled thoughtfully. "Saang review center ka nga pala nag-enroll? Did you consider my recommendations?"

"Hindi po." Nakayuko kong sagot.

"It's okay, I understand. Medyo mahal nga ang mga iyon kumpara sa ibang review center but it's worth it naman." She smiled, tinutukoy ang review center na pinag-enroll-an ni Carl. "Well, anyway, saang review center ka nag-enroll?"

Bumuntong hininga ako at saka ngumiti ng malungkot.

"Tita, hindi po ako nag-enroll sa review center at hindi din po ako sasabay mag-exam ngayong April." I answered.

Nailapag nito ang hawak na tasa at saka kumunot ang noo.

"What? But why? Carl told me that it's your plan to take the board exam this April." She asked while looking at me with those concern eyes. "What happened?"

"Change of plans po." Palusot ko at saka umiwas ng tingin.

"Come on, Iz. What's the problem? Tell me." She said encouraging me.

I sighed, giving up.

"Yong may-ari po kasi ng lupa na tinitirahan namin ay biglang nangailangan na ng pera. Yong perang nakalaan para sa review at board exam ko ay ibinayad na muna namin since makakapaghintay pa naman po ako. Sayang po kasi kung mabibili pa ng iba 'yong lupa." Kwento ko sa nangyari. "So basically, wala po kaming pera para sa review center at pang-board exam na din."

"Oh, Iz.. Bakit hindi mo sinabi sa akin? You know that I am willing to help you. Pwede mong sabihin sa akin ang mga ganyang problema, mother-in-law mo naman ako e." Malumanay nitong sabi.

Hindi ko alam kung tama bang tumawa ako sa sinabi niya. Hindi ko lang talaga napigilan.

"Tita naman.." Natatawa kong saway.

"What?" She asked innocently. "Totoo naman. For me, you're my daughter-in-law and I am going to help you."

"Ay naku, wag na po." Agad ko namang iling.

"Ay, I insist. Ako na bahala sa review center and board exam mo, financially." She stated.

"Tita, wag na po. Sobrang nakakahiya iyon. At isa pa, sobrang mahal ng med school ni Carlo." Iling ko pa din.

"His Dad and I had saved enough for his med school. Kahit hindi na ako mag-trabaho ay makakapag-med school pa rin ang boyfriend mo kaya wag mong problemahin ang pag-aaral niya. Ang pag-usapan natin ay ang financial problem mo.. wait.." Huminto ito sa pagsasalita at sandaling tumingin sa akin habang malalim na nag-iisip. Pagkatapos ay tumango-tango ito. "Right. I shouldn't talk to you about this. Things about this is an adult matter so I should probably discuss it with your parents."

Dopamine RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon