"Guys, punta lang ako sa CR." Napapagod kong paalam ko sa mga groupmates ko.
After doing my business, naglakad na ako palabas para bumalik sa room namin. Pero nagulat ako nang madatnan sa labas ng CR si Carlo.
"Iz. ." Malumanay nitong banggit.
After that confrontation, ngayon lang ulit kami nagkaharap. Dalawang linggo na ang nakalipas pero yong inis ko sariwang-sariwa pa rin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. I almost wince just by looking at his face.
"Ano?" I asked blankly kahit alam ko naman na ang sadya niya. Paano, yun at yun lang naman din ang chat niya.
Of course I didn't block or unfriend him. Sa dami kong ginagawa, uunahin ko pa ba yon?
"Can we talk?" Diretso nitong tanong.
Kinagabihan nong mainit naming sagutan ay agad din siyang humingi sa akin ng tawad. Palagi niya akong kinukulit about this matter, good thing at pareho kaming busy last week kaya hindi kami nagkaka-salubong sa campus.
Tiningnan ko siya ng diretso, "Wag na. Di ba I'm giving you a headache? Saka wala na tayong dapat pag-usapan. Busy ako at ayaw kitang makausap."
"Iz, let's talk." Pigil nito sa braso ko na talagang ikinainis ko.
"Ano ba kasi yun, Carlo?!" Inis kong tanong at saka binawi ang braso ko. Tiningnan ko siya ng masama. "Okay na yun, kalimutan mo na. Kahit pag-usapan pa natin yun, nasabi mo na."
"I'm sorry. I was just tired and in a bad mood. It was a wrong timing, that day." Malumanay at sinsero nitong paumanhin.
"Walang taong perpekto pero bilang nasa medical field, walang lugar para satin ang pagkakamali. Dapat alam mo 'yan." Makahulugan kong sabi. "Hindi lahat ng sakit madadala sa paracetamol, Carlo. Alam mo yan."
"Iz.."
"Carlo, ano ba?!" Mahina kong sigaw. "Sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito at nagkakagusto sayo, bakit ako pa ang napili mong guluhin? Ano ba talagang gusto mo?!"
"Ikaw." Agad nitong sagot.
Napigil ko ang paghinga. Napapikit ako upang pakalmahin ang naghahalong inis at gulat na dala niya, pagkatapos ay huminga ng malalim.
"Ang problema kasi sayo Carlo, nananahimik yong tao tapos guguluhin mo."
Tinalikuran ko na siya at napalunok ako ng biglang makita ang mga mapanuring mata ng mga kaklase ko. Kinalma ko ang sarili ko at saka nagtungo sa pinto.
Hindi ko inaasahan nang buksan ni Carlo ang pinto para sa akin.
"Teh, bakit ang tagal mo? Anong pinag-usapan niyo ni Kuya Carl?" Pang-uusisa ng mga kaklase ko.
"Close pala kayo?" Tanong pa ng isa.
"Hindi. Ano lang. . may problem daw sa ano. . sa papers ko." Palusot ko.
"Parang hindi naman, teh. Parang galit ka e." Pabirong pang-i-interrogate saakin ni Ron.
Tumalim tuloy tingin ko.
"Oo nga. Sa totoo lang, mukha kayong mag-jowa na nag-aaway." Sabat pa ng isa. "Pero infairness. . bagay."
"Ano kaya feeling na maging boyfriend si Kuya Carl?" Biglang tanong ni Lexie.
"I don't know and I wouldn't dare to know." I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Dopamine Rush
Romance"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa sakin 'to?" Pinahid ko ang mga luha ko. Tinatanggalan ang sarili ng karapatang umiyak. He deserves an answer. Dahil kung hindi, mapupuno si...